Alexa Ilacad at KD Estrada, pinakilig ang KDLex fans sa kanilang "Jowa Challenge"

Alexa Ilacad at KD Estrada, pinakilig ang KDLex fans sa kanilang "Jowa Challenge"

- Pinakilig nina Alexa Ilacad at KD Estrada ang kanilang mga fans matapos nilang pagbigyan ang request ng mga ito

- Isang Jowa Challenge ang kanilang ginawa sa pinakabagong video na binahagi ni Alexa sa kanyang YouTube channel

- Naging maalaga si KD kay Alexa dahil hindi umano maganda ang kanyang pakiramdam at siya mismo ang bumili ng gamot para sa kapareha

- Matatandaang unang nabuo ang tambalang KDLex matapos nilang lumabas sa Pinoy Big Brother bilang mga celebrity housemates

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Binahagi ni Alexa Ilacad ang isang Jowa Challenge video sa kanyang YouTube channel. Ito ay upang mapagbigyan ang hiling ng mga fans na sumusuporta sa tambalan nila ni KD Estrada.

Alexa Ilacad at KD Estrada, pinakilig ang KDLex fans sa kanilang "Jowa Challenge"
Alexa Ilacad at KD Estrada, pinakilig ang KDLex fans sa kanilang "Jowa Challenge" (@alexailacad)
Source: Instagram

Sa kanilang Jowa Challenge, pumunta sila sa bilihan ng mga salamin. Nagpunta din sila sa sikat na jewelry shop kung saan bumili si Alexa ng diamond ring. Aniya, pinagpaalam niya sa kanyang mama ang kanyang balak na bumili ng alahas dahil matagal na umano niyang pangarap iyon.

Read also

Dennis Padilla, binahagi ang kanyang pagsisisi sa kanyang mga maling nagawa

Narito ang ilan sa mga komento ng kanilang mga fans:

Super excited to witness this Jowa challenge! It took us 5 months asking for them to finally be able do this because of their super busy schedule but at last we will be able to enjoy this challenge so much even though it’s not really a challenge for KD and Alexa anymore haha

PAY ATTENTION: check out news exactly for YOU ➡️ find "Recommended for you" block and enjoy!

Lex, pati dito binubudol mo kami! Hindi to Jowa Challenge, more of ‘Day in a life of magjowa’ We enjoyed every bit seing you together with so much love & care for each other. I hope to see more of you on YT, kahit weekly please. We wanna see these raw & candid videos of both of you!
Your jowa challenge was all the kilig vibes but you know what I am so happy about, it's that you are so genuine with each other, and I can see that you are feeling that peace that you crave for when you're together. Keep the love both of you! Love you...

Read also

Dani Barretto, pinasalamatan ang mister sa pagiging mabuting asawa

Si Alexa Ilacad ay isang model, actress at singer sa Pilipinas. Nagsimula siya bilang isang child star at kamakailan, gumawa ng ingay sa pagiging celebrity housemate ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Marami ang humanga kay Alexa nang pumasok siya sa PBB house. Isa sa naging malapit sa kanya sa loob ng bahay ay si KD Estrada. Nang makalabas na sila, lalong dumami ang supporters ng kanilang tambalan na KDLex. Sa katunayan, maging si Melai Cantiveros ay nagpahayag ng kanyang pagsuporta sa kanilang tambalan.

Samantala, hindi nag-atubili si KD Estrada na ipagtanggol si Alexa Ilacad laban sa isang basher. Sa isang buradong tweet, binahagi ng basher ang collage ng picture ni Alexa at ng isang LPG tank. Ikinumpara nito si Alexa sa tangke ng LPG. Dahil dito, agad na nagviral ang kanyang tweet at kinuyog siya ng mga tagahanga at tagasuporta ng aktres. Sinagot naman ito ni KD sa pamamagitan ng isang Tweet.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel