Dennis Padilla, binahagi ang kanyang pagsisisi sa kanyang mga maling nagawa

Dennis Padilla, binahagi ang kanyang pagsisisi sa kanyang mga maling nagawa

- Isang sulat ang binahagi ni Dennis Padilla kung saan nilabas niya ang saloobin tungkol sa kanyang pagiging ama

- Aminado siyang pinagsisihan niya ang mga maling bagay na kanyang nagawa sa kanyang buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Aniya, hindi man siya nakasama ng mga anak ngunit hindi nawala sa kanyang puso ang pagmamahal niya para sa mga anak

- Kung may isang kahilingan umano siya, ito ay ang makasama niya ang kanyang mga anak

Nagbahagi ng sulat si Dennis Padilla kasunod ng kontrobersiyal na open letter ng anak na si Leon Barretto. Sa sulat na binahagi ni Dennis, aminado siyang pinagsisihan niya ang mga maling bagay na kanyang nagawa sa kanyang buhay.

Dennis Padilla, binahagi ang kanyang pagsisisi sa pamamagitan ng isang sulat
Dennis Padilla, binahagi ang kanyang pagsisisi sa pamamagitan ng isang sulat (dennisastig)
Source: Instagram

Aniya, isang napakalaking karangalan para sa kanya ang maging isang ama. Hindi man siya nakasama ng mga anak ngunit hindi nawala sa kanyang puso ang pagmamahal niya para sa mga anak ayon sa kanya.

Read also

Dani Barretto, pinasalamatan ang mister sa pagiging mabuting asawa

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Pinagsisihan niya umno ang mga oras na kanyang pinalampas at ang pagtatago niya ng kanyang damdamin para sa mga anak. Kung may isa kahilingan umano siya, ito ay ang makasama niya ang mga ito.

To be your father is the greatest honor I have received. It allowed me to touch the grace of God even for a moment and to see my love made to flesh. I have regretfully made mistakes in my life. I may not have been there for you but I always had you in my heart.
Sometimes in life. there are things that we will never understand why it happened.
In the end I regret all the moments I let slip by. I regret all the times I hid my feelings from you. If I could have but one wish, I would love to spend some time with you. After all there is not much more to life than that.

Read also

Alexa Ilacad at KD Estrada, pinakilig ang KDLex fans sa kanilang "Jowa Challenge"

Si Dennis Padilla o Dennis Esteban Dominguez Baldivia ay isang Filipino comedian, TV host, radio broadcaster at aktor. Anak siya ni Dencio Padilla, at siya ang ama ni Julia Barretto. Nagsilbi siya bilang konsehal ng Caloocan City noong 2001.

Matatandaang muling naging usap-usapan ang mag-aama matapos mag-post ni Dennis Padilla ng mensahe niya para sa tatlong anak na sina Julia, Claudia at Leon Barretto. Sinabi niya sa mga ito na nakalimutan siyang batiin ng mga anak noong Father's Day. Agad din niyang binura ang kanyang post ngunit marami na ang nakakita nito.

Kinalaunan ay sumagot si Leon sa pamamagitan ng isang open letter. Pinaliwanag niya ang knyang saloobin at dahilan kung bakit hindi niya nagawang batiin ang ama. Naitanong niya rin dito kung bakit kinakailangang pahiyain ni Dennis ang anak sa publiko.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel