Alexa Ilacad, pinagtanggol ni KD Estrada sa basher na nanlait

Alexa Ilacad, pinagtanggol ni KD Estrada sa basher na nanlait

- Burado na ang komento ng isang basher na inihalintulad si Alexa Ilacad sa isang LPG tank

- Hindi na rin makita ang Twitter account niya matapos siyang putaktehin ng supporters nina Alexa at KD

- Bilang pagtatanggol kay Alexam sinagot ni KD ang naturang basher sa pamamagitan ng isang tweet

- Nabura man ang tweet, lalong dumami ang nagtanggol kay Alexa na aminadong dumanas ng major depressive disorder dahil sa body dysmorphia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi nag-atubili si KD Estrada na ipagtanggol si Alexa Ilacad laban sa isang basher. Sa isang buradong tweet, binahagi ng basher ang collage ng picture ni Alexa at ng isang LPG tank.

Alexa Ilacad, pinagtanggol ni KD Estrada sa basher na nanlait
KD Estrada at Alexa Ilacad (@alexailacad)
Source: Instagram

Ikinumpara nito si Alexa sa tangke ng LPG. Dahil dito, agad na nagviral ang kanyang tweet at kinuyog siya ng mga tagahanga at tagasuporta ng aktres. Sinagot naman ito ni KD sa pamamagitan ng isng Tweet.

Read also

Kris Aquino, present sa 'Tarlac is Pink' Campaign rally sa kabila ng karamdaman

kapal ng mukha neto ganda ka?

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos ipagtanggol ni KD si Alexa, burado na rin ang tweet ng naturang basher at maging ang kanyang account ay hindi na aktibo.

Narito ang komento ng ilang tagasuporta ng Tambalang KDLex:

Hayaan mo nalang Kd wag mo nang patulan sweethearts na bahala I rereport nalang namin mga troll account lang Naman Sila sweethearts na bahala Kd habang nakikinig kami sa kanta mo hahanapin nalang namin mga kapanalig nian para ma report na at d na magkalat don't mind them Kd
Super Ganda ni Alexa at super bait pa total package na sya...jusko kayo mga bashers atupagin nyo Buhay nyo..
BODY SHAMING is making negative comments to HUMILIATE another person's body weight, size or appearance. Children or teens who experience this, may develop SEVERE EMOTIONAL TRAUMA growing up. I cannot emphasize than enough. Grow up, people. Taaka, ang ganda kaya ni Alexa!

Read also

Mayor Sara Duterte, ine-enjoy ang brown skin dahil sa umano'y 'lagare' schedule ng kampanya

Matatandaang napag-alaman noong nasa PBB house si Alexa na dumanas ito ng major depressive disorder dahil sa body dysmorphia.

Si Alexa Ilacad ay isang model, actress at singer sa Pilipinas. Nagsimula siya bilang isang child star at kamakailan, gumawa ng ingay sa pagiging celebrity housemate ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Marami ang humanga kay Alexa nang pumasok siya sa PBB house. Isa sa naging malapit sa kanya sa loob ng bahay ay si KD Estrada. Nang makalabas na sila, lalong dumami ang supporters ng kanilang tambalan na KDLex.

Sa katunayan, maging si Melai Cantiveros ay nagpahayag ng kanyang pagsuporta sa kanilang tambalan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel