Valentine Rosales, pinanindigan ang post: "I tweet what’s on my mind"

Valentine Rosales, pinanindigan ang post: "I tweet what’s on my mind"

- Pinanindigan ni Valentine Rosales ang kanyang post sa Twitter kung saan sinabi niyang mas nagagandahan siya kay Francine kesa kay Belle Mariano

- Umani ito ng mga komento lalo na mula sa mga fans ni Bella na agad na umalma sa kanyang pahayag

- Sa kanyang mga tweet sinabi ni Valentine na kanya-kanya naman ng opinyon at gusto at hindi naman daw niya sinabing napapangitan siya kay Belle

- Aniya, walang karapatan ang sinumang mandohan siya ng kanyang dapat sabihin sa kanyang social media page

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umalma si Valentine Rosales sa mga bumatikos sa kanya kasunod ng kanyang tweet kung saan sinabi niyang mas nagagandahan siya kay Francine Diaz kesa kay Belle Mariano. Aniya, walang karapatan ang sinumang mandohan siya ng kanyang dapat sabihin sa kanyang social media page.

Read also

Sabina Barretto, pinasalamatan sina Claudine Barreto at Raymart Santiago

Valentine Rosales, pinanindigan ang post: "I tweet what’s on my mind"
Valentine Rosales, pinanindigan ang post: "I tweet what’s on my mind" (@valentinersls)
Source: Instagram

Nanuna na rin niyang nilinaw na hindi niya sinabing napapangitan siya kay Belle. Aniya sadyang-iba-iba lang ng gusto ang bawat tao.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi ko sinabi na pangit siya ang sabi ko di ko lang na appreciate yung beauty niya, porket di nagagandahan assume niyo pangit agad? Beauty is in the eye of the beholder maaaring maganda sainyo sakin hindi sakto lang. Kanya kanya tayo ng taste!

Si Valentine Rosales ay isa sa mga magkakaibigan na nakasama sa pagdiriwang ng bagong taon ng 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera bago siya makitang wala nang buhay sa bathtub ng tinuluyan nilang kwarto sa City Garden Hotel sa Makati noong Enero 1 noong nakaraang taon.

Kasunod ng kanyang pagsasalita kaugnay sa pagtatanggol niya sa kanyang kaibigan, isang video ang binahagi ni Valentine. Base sa kanyang binahaging video ay kuha ito sa club at kasama niya ang kanyang kaibigan. Nilagay niya sa kanyang video ang mga salitang, "Walang sipaang magaganap for tonight video". Matatandaang sa unang tweet niya ay binahagi ni Valentine ang pag-uusap nila ng kaibigan na kanyang pinagtanggol.

Read also

Sachzna Laparan, nagbahagi ng video ng kanyang pamamasyal sa Singapore

Muling naging usap-usapan si Valentine matapos mapansin ng netizens ang kanyang komento sa isang Facebook post ng Mega Magazine. Ito ay picture na kuha mula sa katatapos lang na photoshoot ng Star Magic stars na kinabibilangan nina Jayda Avanzado, Francine Diaz, Andrea Brillantes, Belle Mariano, Charlie Dizon at Alexa Ilacad. Sa kanyang komento ay ginaya nito ang mga sinabi ni Andrea sa isang viral video na kuha sa Siargao kamakailan. Sa mismong Facebook page niya ay binahagi niya ang naturang video at sinabi niyang hindi niya umano kaya yung ganoon ka-ipit na boses.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel