Pamilya ni Susan Roces, naglabas na ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ng aktres

Pamilya ni Susan Roces, naglabas na ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ng aktres

- Sa inilabas na pahayag ng pamilya ni Susan Roces, pumanaw umano ang beteranang aktres nitong Biyernes nang gabi

- Pumanaw siya habang naroroon ang kanyang anak na si Sen. Grace Poe, mga pamangkin at iba pa niyang kapamilya

- Sa nilabas na pahayag sa Twitter account ni Sen. Grace, bumuhos ang mga pakikiramay ng publiko

- Huli siyang napanood sa FPJ's Ang Probinsiyano kung saan gumaganap siya bilang Lola Flora na lola ng bidang si Cardo Dalisay

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa Twitter account ni Sen. Grace Poe, isang opisyal na pahayag mula sa pamilya ng yumaong batikang aktres na si Susan Roces ang kaniyang binahagi. Pumanaw umano siya nitong Biyernes nang gabi, May 20,2022 at naroroon ang kanyang anak na si Sen. Grace Poe, mga pamangkin at iba pa niyang kapamilya.

Read also

Unang gabi ng burol ni Susan Roces, dinagsa ng mga kaibigan at kaanak

Pamilya ni Susan Roces, naglabas na ng pormal na pahayag
Susan Roces-Poe waves to the crowd as protesters attend a rally calling for Philippines President Gloria Macapagal Arroyo to resign July 13, 2005 in Manila, Philippines (Photo by Paula Bronstein)
Source: Getty Images
With great sadness, we announce the loss of our beloved Jesusa Sonora Poe, whom many of you know as Susan Roces.She passed away peacefully on a Friday evening, May 20, 2022, surrounded by love and warmth, with her daughter Grace, her nephews Joseph and Jeffrey and many of her family and close friends. She lived life fully and gracefully. Remember her in her beauty, warmth and kindess. She is now with the Lord and her beloved Ronnie — FPJ. We will miss her sorely but we celebrate a life well lived. Susan Roces — daughter, mother, grandmother, a true Filipina and a national treasure.

Sa nilabas na pahayag sa Twitter account ni Sen. Grace, bumuhos ang mga pakikiramay ng publiko.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Jesusa Purificacion Levy Sonora-Poe o mas kilala sa kanyang screen name na Susan Roces, ay isang Filipina actress at producer. Maybahay siya ng yumaong beteranong aktor na si Ronald Allan Kelley Poe o mas kilala bilang si Fernando Poe Jr. binansagan siyang "Queen of Philippine Movies" at nakagawa ng mahigit 130 na pelikula.

Huli siyang napanood sa FPJ's Ang Probinsiyano kung saan gumaganap siya bilang Lola Flora na lola ng bidang si Cardo Dalisay (Coco Martin). Matatandaang matapos matigil ang taping dahil sa pandemic, locked-in taping ang naging sagot para mapatuloy ang paggawa ng mga palabas sa telebisyon. Matatandaang nauna nang naiulat ng KAMI na hindi na makakasama sa pagbabalik taping ang beteranang aktres.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel