Unang gabi ng burol ni Susan Roces, dinagsa ng mga kaibigan at kaanak

Unang gabi ng burol ni Susan Roces, dinagsa ng mga kaibigan at kaanak

- Nakalagak na sa Heritage Memorial Park ang labi ng beteranang aktres na si Susan Roces

- Inanunsyo na rin ng kanyang anak na si Senator Grace Poe ang ang public viewing ay magsisumula sa Mayo 22 hanggang Mayo 24

- May 20 nang kinumpirma rin ni Senator Grace ang pagpanaw ng kanyang ina

- Labis na nagdadalamhati ang industriya ng showbiz sa bansa lalo na ang mga huling nakasama niya sa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nasa Heritage Park na ang labi ng veteran actress ng Philippine Showbiz Industry na si Susan Roces.

Burol ni Susan Roces, unti-unti nang dinagsa ng mga nakikiramay
JULY 13: Susan Roces-Poe, the actress-widow of the late Presidential candidate Fernando Poe Jr. (Photo by Paula Bronstein)
Source: Getty Images

Nalaman ng KAMI na unti-unti nang dumarating ang mga nakikiramay na kaanak at mahal sa buhay ng yumaong aktres.

Inanunsyo na rin ng kanyang anak na si Senator Grace Poe ang public viewing na magsisimula sa Linggo, Mayo 22 hanggang Mayo 24 mula alas diyes ng umaga hanggang alas diyes ng gabi.

"Join us in honoring the life and legacy of Ms. Susan Roces. Public viewing will start on Sunday, May 22 until Tuesday, May 24."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Mayo 20 nang kumpirmahin din ni senator Grace ang pagpanaw ng kanyang ina na nasamahan naman nila sa huling sandali nito.

"With great sadness, we announce the loss of our beloved Jesusa Sonora Poe, whom many of you know as Susan Roces. She passed away peacefully on a Friday evening, May 20, 2022, surrounded by love and warmth, with her daughter Grace, her nephews Joseph and Jeffrey and many of her family and close friends. She lived life fully and gracefully. Remember her in her beauty, warmth and kindness. She is now with the Lord and her beloved Ronnie — FPJ. We will miss her sorely but we celebrate a life well lived. Susan Roces — daughter, mother, grandmother, a true Filipina and a national treasure."

Samantala, narito ang ilang mga kaganapan sa unang gabi ng burol ng yumaong aktres mula sa ABS-CBN News:

Si Jesusa Purificacion Levy Sonora-Poe o mas kilala sa kanyang screen name na Susan Roces, ay isang Filipina actress at producer. Maybahay siya ng yumaong beteranong aktor na si Ronald Allan Kelley Poe o mas kilala bilang si Fernando Poe Jr. Binansagan siyang "Queen of Philippine Movies" at nakagawa ng mahigit 130 na pelikula.

Nakilala rin siya bilang "Lola Flora" o "Lola Kap" sa FPJ: Ang Probinsyano, ang lola ng bidang si Coco Martin.

Matapos ang ilang taong pamamahinga sa pagsama sa taping ng Ang Probinsyano, nabigyan ng sandaling pagkakataon na makalabas muli sa serye si Roces.

Isa na nga rito ang emosyonal nitong eksena na ipinalabas bago matapos ang taon 2021.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel