Julia Barretto, pinayuhan si Joshua Garcia na huwag munang makipagrelasyon

Julia Barretto, pinayuhan si Joshua Garcia na huwag munang makipagrelasyon

- Aminado si Julia Barretto na nakakapag-usap pa rin sila ng kanyang ex-boyfriend na si Joshua Garcia

- Naibahagi niya sa panayam ni Boy Abunda sa kanya na pinayuhan niya si Joshua na huwag munang makipagrelasyon

- Sa pananaw niya ay maaring magiging sagabal lang sa kanyang showbiz career kapag makipagrelasyon ang dating nobyo

- Gusto umano niyang ma-enjoy ni Joshua ang kanyang umaalagwang showbiz career

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi pinagkaila ni Julia Barretto na bukas ang komunikasyon nila ng kanyang ex-boyfriend na si Joshua Garcia. Inamin niyang pinayuhan niya si Joshua na huwag munang makipagrelasyon dahil maari umanong magiging sagabal lang ito sa kanyang showbiz career.

Julia Barretto, pinayuhan si Joshua Garcia na huwag munang makipagrelasyon
Julia Barretto (@juliabarretto)
Source: Instagram
"I tell him, 'How are you? May girlfriend ka na ba? Huwag ka munang maggi-girlfriend. Sabi niya sa akin, 'Ba't ba ayaw mo ako magka-girlfriend?' Sabi ko, 'Basta, huwag ka muna magka-girlfriend. Enjoy what you have now.'

Read also

VP Leni, pinasalamatan ang mga tumulong kay Jillian para 'maka-survive' sa NYU

Gusto umano niyang ma-enjoy ni Joshua ang kanyang umaalagwang showbiz career.

"Because he's young and he's in his prime and he's a brilliant actor. It's not the time to be limited right now. I want him to really enjoy his time."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Isa umano sa naa-appreciate niya kay Joshua ay nirerespeto nito ang boyfriend ni Julia na si Gerlad Anderson.

"I think one of the things I really appreciate about it is he respects Ge a lot, and that says a lot about Josh as well and how much he has grown and matured. He respects Ge, and that means a lot to me."

Si Julia Barretto ay aktres na nagmula mula sa angkan ng mga Barretto na kilala sa mundo ng showbiz. Anak siya ni Dennis Padilla at ng batikang aktres na si Marjorie Barretto. Pamangkin siya nina Claudine at Gretchen Barretto.

Read also

Cristy Fermin sakaling makausap si BBM: "May papaalala lang ako sa kanya, Simon & Garfunkel"

Sa kabila ng mga negatibong reaksiyon ng mga netizens, ibinahagi kamakailan ni Vicki Belo ang litrato nila ni Hayden kasama sina Gerald at Julia.

Para naman kay Gerald, pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik nang aminin ang tungkol sa relasyon nila ni Julia.

Matatandaang naging usap-usapan nang aminin sa wakas ni Gerald ang tungkol sa relasyon nila ni Julia Barretto sa isang exclusive interview ni Boy Abunda sa kanya.

Nagbahagi din ng kanyang pahayag si Bea tungkol sa naging relasyon nila ni Gerald sa isang panayam kay G3 San Diego.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel