Kim Chiu, deadma sa pang-iintriga kina Xian Lim at Barbie Imperial

Kim Chiu, deadma sa pang-iintriga kina Xian Lim at Barbie Imperial

- Pinili ni Kim Chiu na huwag nang magsalita kaugnay sa lumabas na picture nina Xian Lim at Barbie Imperial

- Isang hotel ang nagbahagi ng kanilang picture na nagpapasalamat sa pag-check in sa kanilang hotel

- Nabigyan ito ng kulay ng ibang netizens na agad namang nilinaw ng ilang residente sa Mati City sa Davao Oriental

- Naganap umano ito bago pa ang halalan at parehas silang imbitado sa isang miting de avance

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ilabas ni Xian Gaza ang picture nina Xian Lim at Barbie Imperial na mula sa social media post ng isang hotel sa Mati City sa Davao Oriental, umani ng mga komento ang naturang post.

Nabigyan ito ng kulay ng ibang netizens na agad namang nilinaw ng ilang residente at sinabing naganap umano ito bago pa ang halalan at parehas silang imbitado sa isang miting de avance.

Read also

Kim Chiu, nag-post ng picture kasama si Xian Lim at ang kanyang kapatid

Kim Chiu, deadma sa pang-iintriga kina Xian Lim at Barbie Imperial
Kim Chiu (@chinitaprincess)
Source: Instagram

Sa gitna ng mga isyung ito ay hindi na nagsalita pa si Kim Chiu kaugnay sa isyu. Sa kanyang social media accounts ay wala itong nilabas na pahayag kaugnay dito. Ito ay sa kabila ng pag-tag sa kanya ni Xian Gaza sa kanyang Facebook post.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nagbahagi din ng ilang mga pictures ang netizens bilang patunay na kabilang sina Xian at Barbie sa naimbitahan sa naturang political rally at taliwas sa pagbibigay ng kulay ng ilang netizens, libre umano ang kanilang accomodation sa naturang hotel at sa magkahiwalay na silid.

Matatandaang kinompirma ni Barbie nitong taon na hiwalay na sila ni Diego Loyzaga.

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Read also

Market vendor, inspirasyon ang hatid matapos manalong Mayor ng Dolores

Matatandaang ibinahagi ni Kim kamakailan ang kanyang natanggap na bulaklak at sulat para sa kanyang kaarawan na mula kay Vice President Leni Robredo. Hindi maitago ni Kim ang kanyang tuwa sa natanggap niyang regalo mula kay VP Robredo.

Matatandaang isa lamang si Kim sa mga artistang nagpasyang sumuporta sa kandidatura ni VP Leni. Kamakailan ay dumalo siya sa mismong rally. Naging usap-usapan ang eksena sa backstage matapos mapaluhod ni Kim.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel