Kim Chiu, nag-post ng picture kasama si Xian Lim at ang kanyang kapatid

Kim Chiu, nag-post ng picture kasama si Xian Lim at ang kanyang kapatid

- Matapos ang paglabas ng picture nina Xian Lim at Barbie Imperial, lumabas ang espikulasyon kaugnay sa relasyong Kim Chiu at Xian Lim

- Gayunpaman, hindi na nag-abala ang magkasintahan na magsalita kaugnay sa isyu lalo at ilang netizens na ang nagbigay-linaw kaugnay sa picture

- Sa kanyang Instagram stories ay binahagi ni Kim Chiu ang kanyang paghatid sa kanyang kapatid sa airport

- Sa isa pang picture na binahagi ni Kim ay kasama din nila si Xian sa kanilang family dinner

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang Instagram stories, binahagi ni Kim Chiu ang pictures niya kasama ang kanyang mga kapatid. Kasama din nila si Xian Lim sa kanilang family dinner.

Kim Chiu, nag-post ng picture kasama si Xian Lim at ang kanyang kapatid
Kim Chiu (@chinitaprincess)
Source: Instagram

Binahagi din ni Kim ang video ng kanyang paghatid sa kanyang kapatid at girlfriend nito sa airport. Matatandaang nitong nakaraang buwan lang umuwi ang kapatid niya na si John na isang licensed pilot sa Canada.

Read also

Kim Chiu, deadma sa pang-iintriga kina Xian Lim at Barbie Imperial

Matatandaang matapos i-post ni Xian Gaza ang screenshot ng post ng isang hotel sa Mati City sa Davao Oriental kung saan naka-tag ang pangalan ni Kim Chiu, umano ng mga komento ang naturang picture.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nabigyan ito ng kulay ng ibang netizens na agad namang nilinaw ng ilang residente at sinabing naganap umano ito bago pa ang halalan at parehas silang imbitado sa isang miting de avance.

Nagbahagi din ng ilang mga pictures ang netizens bilang patunay na kabilang sina Xian at Barbie sa naimbitahan sa naturang political rally at taliwas sa pagbibigay ng kulay ng ilang netizens, libre umano ang kanilang accomodation sa naturang hotel at sa magkahiwalay na silid.

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Read also

Kampo ni Andrea Brillantes, umalma sa video clip na ginagamit upang siraan ang aktres

Matatandaang ibinahagi ni Kim kamakailan ang kanyang natanggap na bulaklak at sulat para sa kanyang kaarawan na mula kay Vice President Leni Robredo. Hindi maitago ni Kim ang kanyang tuwa sa natanggap niyang regalo mula kay VP Robredo.

Matatandaang isa lamang si Kim sa mga artistang nagpasyang sumuporta sa kandidatura ni VP Leni. Kamakailan ay dumalo siya sa mismong rally. Naging usap-usapan ang eksena sa backstage matapos mapaluhod ni Kim.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel