Rob Moya, lakas-loob na tinanong si Yassi Pressman kung pwede siya manligaw

Rob Moya, lakas-loob na tinanong si Yassi Pressman kung pwede siya manligaw

- Sa ibinahaging video ni Rob Moya, makikita ang kanyang pakikipag-usap sa aktres na si Yassi Pressman

- Ito ay nang isa si Rob sa mga guest sa game show kung saan si Yassi ang host na napapanood sa TV5

- Aminado si Rob na crush niya si Yassi at alam niya umanong imposibleng maging boyfriend siya nito pero tinanong niya ang aktres kung siya ba ang tipo ng lalaki na papayagan ni Yassi na manligaw sa kanya

- Isa-isa munang tinanong ni Yassi ang mga katangian ng isang manliligaw na gusto niya at kabilang nga dito ay ang tanong kung loyal daw ba si Rob

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon kay Rob Moya, crush na crush niya daw talaga si Yassi Pressman kahit noon pa. Alam niya umanong imposibleng maging boyfriend siya nito pero tinanong niya ang aktres kung siya ba ang tipo ng lalaki na papayagan ni Yassi na manligaw sa kanya.

Read also

Kiray Celis, inalala ang kabutihan ni Fanny Serrano sa kanya

Rob Moya, lakas-loob na tinanong si Yassi Pressman kung pwede siya manligaw
Rob Moya
Source: Facebook

Bago sagutin ni Yassi, isa-isa munang tinanong ni Yassi ang mga katangian ng isang manliligaw na gusto niya at kabilang nga dito ay ang tanong kung loyal daw ba si Rob.

Sagot naman ni Rob ay loyal daw siya. Umuo din si Rob sa tanong ni Yassi kung mahal daw ba niya ang pamilya niya, kung mabait daw ba siya at kung funny daw ba siya.

Hindi naman maitago ni Rob ang tuwa nang sabihin ni Yassi na "Okay.'

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Panuorin ang kabuoan ng video dito.

Si Rob Moya ay isang aktor at YouTube content creator na naging karelasyon ng YouTuber na si Toni Fowler. Nakilala siya sa YouTube bilang si Daddy Rob dahil marami ang humanga sa pagtayo nito bilang ama sa anak ni Toni na si Tyronia Fowler.

Read also

Ogie Diaz, inusisa ang pagkikita nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga

Matatandaang nagkaayos na sana sina Rob at Toni ngunit muli silang nagkasamaan ng loob nang magwala kamakailan si Rob sa isang bar nang lumabas sila para ipagdiwang ang kaarawan niya.

Matapos ang kanilang gulo, sinubukan ni Rob na makipag-ayos sa pamamagitan ng pagpapadala ng bulaklak kay Toni. Gayunpaman, tinapon lang ito ni Toni dahil aniya ay hindi na siya magpapaloko.

Kamakailan lang ay hinarap ni Toni si Rob nang puntahan niya ito sa condo. Muling naging malala ang sitwasyon nang magtanong si Rob kung pwede daw ba siyang manligaw uli kay Toni. Agad namang nag-walk out sina Toni nang lumuhod si Rob para sa kanyang proposal.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel