Cristy Fermin, isinapubliko ang tungkol sa kanyang dalawang adopted na anak

Cristy Fermin, isinapubliko ang tungkol sa kanyang dalawang adopted na anak

- Marami ang naantig sa pagbabahgi ni Cristy Fermin kaugnay sa kanyang dalawang anak na tinuring niyang parang mga tunay niyang anak

- Ito umano ang mga anak na nanggaling sa puso at hindi niya napigilang maging emosyonal habang nagkukuwento siya

- Aniya, sa tingin niya ay nakatakda talaga na mapunta sa kanya ang kanyang dalawang anak

- Siya umano mismo ang kumausap sa kanyang mga anak na mas bibigyan nila ng pagmamahal ang dalawa pa niyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay Cristy Fermin, maituturing nasa madilim siyang bahagi ng kanyang buhay nang dumating sa kanya ang dalawa niyang anak. Sa kauna-unahang pagkakataon ay isinapubliko ni Nay Cristy ang tungkol sa kanyang dalawang anak na kanyang inampon.

Cristy Fermin, isinapubliko ang tungkol sa kanyang dalawang adopted na anak
Cristy Fermin (Showbiz Now Na)
Source: Instagram

Aminado si Nay Cristy na hindi madali ang mag-ampon ngunit masarap umano sa kanyang pakiramdam na nakadugtong siya ng buhay. Aniya, ipinanganak sila ng kanilang ina ngunit siya ang nagdugtong upang makasama pa niya ang mga ito.

Read also

Direk Joel Lamangan, walang sinanto sa pagtalak sa mga artistang late sa set

Marami naman ang naantig sa ibinahaging kwentong ito ni Nay Cristy:

Kaya blessing ang INA na nag aruga ng anak na galing lamang sa PUSO nila na tiniratong parang galing sa kanilang sinapupunan. I admire you Nanay Cristy and others who have adopted a child(children) and treated as their own flesh and blood

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naiiyak ako habang nagluluto. Mayron din akong adopted son 2 years old na Di ko Pa nakita dahil sa pandemic. yung nanay ko ang nag aalaga.sana madali lng yung process ng adoption sa Pinas
Naluha nman ako sa kwento mo nanay cristy.,tulo luha ko

Si Cristy Fermin is a veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Read also

Jake Cuenca, emosyonal matapos isapubliko ang tungkol sa paghihiwaly nila ni Kylie Versoza

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel Showbiz Now Na!

Kamakailan, isa rin sa mga pinuri ni Cristy Fermin pagdating sa kagandahan ay ang aktres na si Bea Alonzo. Taliwas sa 'di umano'y komento ng iba na tila alangan na ang aktres sa makakapareha nito sa Kapuso network adaptation ng Korean series na 'Start Up,' hanga pa rin si Cristy sa ganda ng aktres para sa edad nito. Kapansin-pansin daw umano ang pag-aalaga nito sa sarili at hinangaan din nila ang pangkabuhayan ni Bea na kitang-kita ang lawak at ganda ng farm nito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel