Sandara Park, kinaaliwan sa kanyang binahaging picture ng tumalsik niyang sapatos

Sandara Park, kinaaliwan sa kanyang binahaging picture ng tumalsik niyang sapatos

- Matapos mag-trending ang performance ng 2ne1 sa Coachella kamakailan, naging usap-usapan din si Sandara Park

- Marami ang nabuong meme mula sa kanyang pinag-uusapang pagkanta kung saan tumalsik ang kanyang sapatos

- Sa kanyang social media account, binahagi ng KPop star na nakuha naman niya ang kapares ng sapatos niyang tumalsik

- Gayunpaman, hindi na niya umano nakuha ang kanyang medyas na tumalsik din kasabay ng sapatos niya nang sumipa siya habang kumakanta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang naaliw sa mga post ni Sandara Park kaugnay sa kanyang pinag-uusapang pagkanta kung saan tumalsik ang kanyang sapatos. Binahagi niya sa social media ang picture ng sapatos niya at sinabing nakuha niya naman umano ang sapatos niya.

Sandara Park, kinaaliwan sa kanyang binahaging picture ng tumalsik niyang sapatos
Photo from Sandara Park (@daraxxi)
Source: Instagram

Gayunpaman, hindi na niya umano nakuha ang kanyang medyas na tumalsik din kasabay ng sapatos niya nang sumipa siya habang kumakanta.

Read also

Jai Agpangan, aminadong nakatanggap ng indecent proposal

I think my socks is still on the stage. With all the other performers… sorry for that

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Agad na nag-trending ang pangalan ni Sandara Park sa Twitter kasunod ng pagkakabuo ng kanilang grupo na 2NE1. Agad na nag-viral ang pictures ng grupo dahil bukod sa marami ang nag-aabang sa kanilang muling pagsasama-sama, agaw pansin ang nakaapak na isang paa ni Sandara.

Pabirong tinawag ni Joross si Sandara na Cinderella dahil sa nawawala niyang sapatos.

Kung nakaninong Prince Charming man ang Sapatos ni Cinderella paki balik na ang sapatos.

Hindi pa dito natatapos ang pagbibiro ni Joross dahil sa kanyang IG stories ay kanyang binahagi ang picture na ito ni Sandara. Hirit niya, totoo umanong down to earth ang kanyang kaibigan dahil laging nakatapak sa lupa.

Read also

Joross Gamboa, biniro si Sandara Park kaugnay sa viral picture nito

Down to earth ka talaga @daraxxi. Nakatapak lagi sa lupa.

Si Sandara Park ay isang South Korean singer, actress at television presenter. Una siyang sumikat sa Pilipinas nang sumali siya sa Kapamilya talent show na Star Circle Quest noong 2004.

Taong 2007 nang lumipat siya sa South Korea at sinubukang makipagsapalaran. Kinalaunan ay naging bahagi siya ng sikat na grupong 2NE1. Gayunapaman, nabuwag ang kanilang grupo at hindi napigilang maging emosyonal ni Sandara nang muling ikuwento ang tungkol dito.

Sa naunang ulat ng KAMI, naging usap-usapan ang komento ni Sandara sa picture ni Vice Ganda kasama si Ion Perez.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel