Joross Gamboa, biniro si Sandara Park kaugnay sa viral picture nito

Joross Gamboa, biniro si Sandara Park kaugnay sa viral picture nito

- Sa kanyang Instagram stories, ibinahagi ni Joross Gamboa ang viral na picture ni Sandara Park kasama ang iba pang kasamahan niya sa grupong 2Ne1 nang mag-perform sila sa Coachella

- Agad na nag-viral ang pictures ng grupo dahil bukod sa marami ang nag-aabang sa kanilang muling pagsasama-sama, agaw pansin ang nakaapak na isang paa ni Sandara

- Natanggal ang isang sapatos niya nang sumipa siya habang kumakanta ng kanyang bahagi sa kanilang performance

- Umani naman ng papuri si Sandara dahil sa pinakita nitong dedikasyon at pagiging propesyonal sa kabila ng aberyang nangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agad na nag-trending ang pangalan ni Sandara Park sa Twitter kasunod ng pagkakabuo ng kanilang grupo na 2NE1. Agad na nag-viral ang pictures ng grupo dahil bukod sa marami ang nag-aabang sa kanilang muling pagsasama-sama, agaw pansin ang nakaapak na isang paa ni Sandara.

Read also

Norberto Gonzales, tuloy ang kandidatura sa kabila ng umano'y nagsasabing umatras na sila

Joross Gamboa, biniro si Sandara Park kaugnay sa viral picture nito
Photos from Sandara Park (@daraxxi)
Source: Instagram

Natanggal ang isang sapatos niya nang sumipa siya habang kumakanta ng kanyang bahagi sa kanilang performance.

Ibinahagi din ito ni Sandara sa kanyang Instagram account at marami ang natawa sa kanya lalo at siya mismo ang nag-post ng picture na ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pabirong tinawag ni Joross si Sandara na Cinderella dahil sa nawawala niyang sapatos.

Kung nakaninong Prince Charming man ang Sapatos ni Cinderella paki balik na ang sapatos.

Maging si Melissa Ricks ay pabirong pinuna ang hairstyle ni Sandara:

Krung! Grabehan un spraynet! San nakakabili niyan! Super Happy to see 2ne1

Hindi pa dito natatapos ang pagbibiro ni Joross dahil sa kanyang IG stories ay kanyang binahagi ang picture na ito ni Sandara. Hirit niya, totoo umanong down to earth ang kanyang kaibigan dahil laging nakatapak sa lupa.

Read also

Gerald Anderson, niregaluhan ng bagong motorsiklo ang kanyang PA

Down to earth ka talaga @daraxxi. Nakatapak lagi sa lupa.

Si Sandara Park ay isang South Korean singer, actress at television presenter. Una siyang sumikat sa Pilipinas nang sumali siya sa Kapamilya talent show na Star Circle Quest noong 2004.

Taong 2007 nang lumipat siya sa South Korea at sinubukang makipagsapalaran. Kinalaunan ay naging bahagi siya ng sikat na grupong 2NE1. Gayunapaman, nabuwag ang kanilang grupo at hindi napigilang maging emosyonal ni Sandara nang muling ikuwento ang tungkol dito.

Sa naunang ulat ng KAMI, naging usap-usapan ang komento ni Sandara sa picture ni Vice Ganda kasama si Ion Perez.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel