Gerald Anderson, niregaluhan ng bagong motorsiklo ang kanyang PA

Gerald Anderson, niregaluhan ng bagong motorsiklo ang kanyang PA

- Hindi maitago ng personal assistant ni Gerald Anderson ang kanyang katuwaan sa sorpresa sa kanya ng amo

- Isang motorsiklo ang binigay sa kanya ni Gerald at hindi maipaliwanag ni Jalal Laidan ang saya na nararamdaman

- Sa inilabas na video ni Anderson sa kaniyang Instagram account, labis ang katuwaan ni Laidan nang makita ang motor na kanyang pangarap

- Binigay ito ni Gerald bilang regalo sa kanyang PA para sa kaarawan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Walang pagsidlan ng kanyang tuwa ang long-time personal assistant ni Gerald Anderson matapos niyang makatanggap ng sorpresa mula sa aktor. Sa inilabas na video ni Anderson sa kaniyang Instagram account, labis ang katuwaan ni Laidan nang makita ang motor na kanyang pangarap.

Gerald Anderson, niregaluhan ng bagong motorsiklo ang kanyang PA
Gerald Anderson (juliabarretto)
Source: Instagram

Sa inilabas na video ni Anderson sa kaniyang Instagram account, labis ang katuwaan ni Jalal Laidan nang makita ang pangarap niyang motor. Ito ay regalo ng aktor sa PA para sa kaarawan nito.

Read also

Joross Gamboa, biniro si Sandara Park kaugnay sa viral picture nito

Maka-ilang beses na niyakap ng PA ang aktor at nagtatatalon pa ito matapos mapagtantong mayroon na siyang sariling motorsiklo.

“Marami salamat sa lahat po! Dream come true! thank you so much my boss my brother! @andersongeraldjr,” ani Laidan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Agad din niyang sinubukan patakbuhin ang regalong ito ni Gerald.

matatandaang naging usap-usapan ang regalo ni Gerald para sa girlfriend niyang si Julia. Isang mamahaling relos ang binigay niya noong Pasko.

Si Gerald Anderson ay unang sumikat sa mundo ng showbiz matapos niyang mapabilang sa mga teen housemates ng Pinoy Big Brother kung saan nakasama niya si Kim Chiu. Naging katambal niya sa maraming pelikula si Kim na naging kasintahan niya rin sa totoong buhay.

Gayunpaman, nagkahiwalay sila at na link sa ibang mga aktres si Gerald kagaya nina Maja Salvador, Bea Alonzo at Sarah Geronimo.

Read also

Pinay actress sa mga K-Drama, sinabing walang Oppa in real life

Matatandaang naging usap-usapan nang aminin sa wakas ni Gerald ang tungkol sa relasyon nila ni Julia Barretto sa isang exclusive interview ni Boy Abunda sa kanya.

Kamakailan ay nagbahagi din ng kanyang pahayag si Bea tungkol sa naging relasyon nila ni Gerald sa isang panayam kay G3 San Diego.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel