‘Mosang’ ng Lenlen series, ibinahagi ang maayos na pag-uusap nila ni Darryl Yap
- Ilang araw matapos niyang maghayag ng suporta kay Vice President Leni Robredo, naging usap-usapan si Rowena Quejada
- Naging bahagi siya ng Lenlen series ni Darryl Yap ng VinCentiments at siya ang gumanap bilang "Mosang"
- Sa isang Facebook post ay binahagi ni Quejada ang naging pag-uusap nila ni Yap matapos niyang isapubliko ang pagiging Kakampink niya
- Hiling niya na sana ay huwag silang pag-awayin ng direktor kahit magkaiba sila ng sinusuportahang kandidato
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Kasunod ng pag-viral ng kanyang pagsasapubliko ng pagiging isang Kakampink, ibinahagi ni Rowena Quejada ang screenshot ng conversation nila ni Direk Darryl Yap ng VinCentiments. Naging bahagi siya ng Lenlen series ni Darryl Yap ng VinCentiments at siya ang gumanap bilang "Mosang".
Sa kanyang binahaging screenshot, makikita na maayos ang kanilang pag-uusap at nagkakaunawaan umano sila sa kabila ng pagkakaiba nila ng kandidatong sinosuportahan.
Pinasalamatan niya ang mga tagasuporta ni VP Leni sa pinakita nilang suporta at pagtanggap sa kanya. Pinasalamatan niya rin si Yap dahil sa pagmamahal, respeto at pang-unawa nito sa kanya.
Maraming maraming salamat KAKAMPINKS, sa pagmamahal, sa suporta, sa respeto. Lalo ny0 lang pinatunayan sa akin TAMA ANG DESISYON ko at TAMA ANG TININDIGAN ko. Lalo't higit ang kasiyahan at kapayapaan ng pus0 ko dahil sa pagmamahal, respeto at pang-unawa ng aking anak-anakan Direk Darryl Yap.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Hiling niya na sana ay huwag silang pag-awayin ng direktor kahit magkaiba sila ng sinusuportahang kandidato.
AKIUSAP sa mga hindi nakakaunawa, please po wag na kau mag-aksaya ng oras para pag-awayin po kami. Malinaw po, hindi ang anumang eleksy0n, hindi PINK at PULA, lalong hindi si LENI at BBM ang sisira sa aming dalawa. Salamat po.
Sa nalalapit na na halalan ngayong Mayo 2022, mainit na binabantayan ang mga rally para sa pangangampanya ng mga tumatakbong politiko. Kabilang sa mainit na magkatunggali sa pagka-pangulo ay sina Vice President Leni Robredo at dating senador na si Bongbong Marcos. Sila ang dalawang nangunguna pagdating sa dami ng mga tagasuporta.
Kamakailan ay naganap ang isang people's rally sa Pasig na dinaluhan ng mga "Kakampink." Ilan sa mga personalidad na dumalo sa tinaguriang "Pasiglaban" ay sina Donny Pangilinan, Ebe Dancel, Itchyworms, Rivermaya, Ben and Ben, Robi Domingo, Melai Cantiveros, Janine Gutierrez, Julia Barretto, Angel Locsin at marami pang iba.
Source: KAMI.com.gh