Ina ni Francine Diaz, umalma sa pahayag ni Andrea Brillantes sa kanyang live video

Ina ni Francine Diaz, umalma sa pahayag ni Andrea Brillantes sa kanyang live video

- Matapos ang inilabas na live video ni Andrea Brillantes, hindi nakapagtimpi ang ina ni Francine Diaz na maglabas ng kanyang saloobin

- Inalmahan nito ang muli pagkakadawit ng anak sa nilabas na pahayag ni Andrea gayong nanahimik naman umano ang kanyang anak

- Nabanggit niya rin na puro pagpaparaya ang ginawa ng kanyang anak alang-alang sa ikatatahimik ng lahat

- Gayunpaman, hindi daw nangangahulugang ayos lang sa kanila na madawit muli si Francine dahil lamang nanahimik sila

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Usap-iusapan ngayon ang pahayag ng ina ni Francine Diaz na si Merdick Saenz Diaz kasunod ng live video ni Andrea Brillantes. Aniya, hindi daw nangangahulugang ayos lang sa kanila na madawit muli si Francine dahil lamang nanahimik sila.

Ina ni Francine Diaz, umalma sa pahayag ni Andrea Brillantes sa kanyang live video
Francine Diaz (@francinesdiaz)
Source: Instagram

Inalmahan nito ang muli pagkakadawit ng anak sa nilabas na pahayag ni Andrea gayong nanahimik naman umano ang kanyang anak.

Read also

Ina ni Francine Diaz, nilabas ang saloobin kaugnay sa pagtatanggol ni Seth Fedelin kay Andrea Brillantes

“Nananahimik anak ko tigil-tigilan mo na anak ko, manahimik ka na’wag mo ko pilitin maubos pasensya ko sa inyo!!!

Aniya, hangga't maaari ay ayaw niyang pumatol dahil nananahimik umano sila para walang gulo. Gayunpaman ang kanilang pananahimik ay hindi umano nangangahulugang ayos lang sa kanila na madamay muli si Francine sa isyu.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Baka magkaalaman tayo hangga’t maaari ayaw ka patulan! Puro pang-unawa at pagpaparaya ang binigay sayo ng anak ko, namin alang-alang sa ikatatahimik ng lahat sa tuwing nababash ka, kayo lagi ninyo dinadawit ang anak ko. Hindi porket hindi kami sumasagot at kumikibo hindi ibig sabihin na OK LANG SA AMIN!! WAG AKO ANDREA BRILLANTES!”

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng "Kadenang Ginto" kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin.

Read also

Suspek sa Maguad siblings murder, inakay pa ni Gwynn sa pag-aakalang biktima din ito

Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Sa nabuong tambalan, napalapit na rin sila sa pamilya ng bawat isa. Inamin ni Francine na nakasama niya nang mag-lunch ang pamilya ni Kyle.

Ilang beses na ring naitatanong sa kanilang dalawa kung ano na nga ba ang tunay na namamagitan sa kanilang dalawa at palagi nilang sinasabing sila ay malapit na magkaibigan.

Matatandaang naging kotrobersiyal ang picture ni Seth Fedelin kasama ang pamilya ni Francine. Naging ugat ito ng bangayan sa pagitan ng tagasuporta nina Francine at Andrea kamakailan. May lumabas ding balita tungkol sa umano'y panunugod ni Andrea kay Francine sa dressing room

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel