Ina ni Francine Diaz, nilabas ang saloobin kaugnay sa pagtatanggol ni Seth Fedelin kay Andrea Brillantes

Ina ni Francine Diaz, nilabas ang saloobin kaugnay sa pagtatanggol ni Seth Fedelin kay Andrea Brillantes

- Hindi lang si Andrea Brillantes ang inalmahan ng ina ni Francine Diaz sa nilabas nitong pahayag

- Maging si Seth Fedelin ay pinagsabihan din nito na sana ay pinagtanggol din nito ang anak niya noong nadadawit sa isyu nila ni Andrea

- Nabanggit din niya na wala namang ginawang masama ang anak niya kundi pakisamahan sila

- Hindi na umano siya papayag na lagi na lang nabu-bully ang kanyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na umano papayag ang ina ni Francine Diaz na si Merdick Saenz Diaz na lagi na lang na-bu-bully ang kanyang anak. Sa kanyang nilabas na pahayag, pinuna niya ang pagtatanggol ni Seth Fedelin kay Andrea Brillantes gayong nadadamay din umano ang anak niya.

Ina ni Francine Diaz, nilabas ang sama ng loob kay Seth Fedelin
Francine Diaz (@francinesdiaz)
Source: Instagram

Sa kanyang Facebook post, nabanggit niya na lagi na lang nabu-bully umano ang anak niya at hindi niya na raw hahayaang mangyari iyon.

Read also

Seth Fedelin, nilinaw na wala siyang sama ng loob kay Andrea Brillantes

“At ikaw Seth sana ganyan din ang ginawa mong pagtatanggol sa anak ko ng nadamay sayo kung talagang tinuturing mong kaibigan anak ko!

Nabanggit pa nito na naging maayos naman sa pakikisama ang anak niya sa tatlo niyang kaibigan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Na walang ginawang masama sa inyong tatlo na pinakisamahan kayo nang maayos at totoo pero ano ginawa n’yo!
“Hindi na ako papayag na lagi mo na lang binubully anak ko kayo! Sinong nanay at magulang na papanoorin mo na lang na lagi inaaway at binubully anak ko! Lahat ng pang-unawa at pag-iwas ginawa namin sayo, sa inyo!! Alam n’yo ‘yan!,

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng "Kadenang Ginto" kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin.

Read also

Ina sa Ukraine, isinulat ang contact details sa likod ng kanyang baby

Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Sa nabuong tambalan, napalapit na rin sila sa pamilya ng bawat isa. Inamin ni Francine na nakasama niya nang mag-lunch ang pamilya ni Kyle.

Ilang beses na ring naitatanong sa kanilang dalawa kung ano na nga ba ang tunay na namamagitan sa kanilang dalawa at palagi nilang sinasabing sila ay malapit na magkaibigan.

Matatandaang naging kotrobersiyal ang picture ni Seth Fedelin kasama ang pamilya ni Francine. Naging ugat ito ng bangayan sa pagitan ng tagasuporta nina Francine at Andrea kamakailan. May lumabas ding balita tungkol sa umano'y panunugod ni Andrea kay Francine sa dressing room.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel