Meryll Soriano, 2018 pa naka-off ang comment section ng kanyang Instagram
- Ayon kay Meryll Soriano, taong 2018 pa nang mag-off siya ng comment section niya ng kanyang Instagram
- Ito ay para maiwasan ang mga negatibong tao na kadalasang nambibiktima ng mga kagaya nilang artista
- Aniya, mas gugustuhin niyang walang mabasa kesa maapektuhan siya ng mga negatibong komentong ito
- Gayunpaman, binabasa umano niya ang mga komento ng kanyang viewers sa kanyang YouTube channel
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nakasama ni Meryll Soriano si Judy Ann Santos sa kanyang vlog episode sa kanyang YouTube channel. Dito ay nabanggit niya ang tungkol sa kanyang pag-off ng kanyang comment section sa kanyang Instagram account.
Ani Meryll, wala siyang opinyon sa opinyon ng iba. Ito ay para maiwasanng maapektuhan ng negatibong tao na kadalasang nambibiktima ng mga kagaya nilang artista. Aniya, nakakaapekto ito sa mental health at baka makahanap pa siya ng kaaway.
Gayunpaman, binabasa umano niya ang mga komento ng kanyang viewers sa kanyang YouTube channel.
Para naman kay Juday, siya mismo ay nagbabasa umano ng mga komento ng mga netizens. Pero kapag pamilya niya na umano ang binabatikos at dinadamay ay naapektuhan din siya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Marami naman ang naaliw sa episode na ito na binahagi ni Meryll.
Love u girls.....like ur chikahan...pawala stress...as a mom like me...I agree wala tayu paki.opinion Ng iba....women power
Kaya nga suwerti ng mga Artista ngayun Kc Completo sa lahat pero kakaiba din talaga yun mga Artista noon super mga talented kusang isip nila ang mga gagawin nila' hndi na kailangan ng mga Director turuan
Blissful sunday with a beautiful content. nakaka miss ganyan kwentuhan with friend, mature opinion and deep conversation.
Si Meryll Soriano ay ang anak ng TV host na si Willie Revillame kay Bec-Bec Soriano. Pamangkin siya ng batikang aktres na si Maricel Soriano. Ikinasal siya kay Bernard Palanca noong September 8, 2006. Gayunpaman, taong 2015 nang tuluyan nang na annul ang kanilang kasal.
Nang pumasok ang taong 2021 ay ginulat ni Meryll ang publiko sa kanyang rebelasyon tungkol sa kanila ni Joem Bascon matapos ang ilang buwang pananahimik.
Ibinahagi din kamakailan ng aktres ang litrato niya kung saan karga-karga ni Willie Revilement ang kanyang baby.
Source: KAMI.com.gh