R&B singer na si Keith Martin, pumanaw na sa edad na 56

R&B singer na si Keith Martin, pumanaw na sa edad na 56

- Pumanaw na sa edad na 56 ang R&B singer na si Keith Martin matapos siyang matagpuang walang buhay sa kanyang condo sa Quezon City

- Ayon sa lumabas na ulat, inireklamo ng isang unit owner ang amoy kaya hinanap ng property manager ang pinanggagalingan ng amoy

- Nagmula umano ito sa unit ng American singer/songwriter kaya agad na ni-report ito sa BPSO ng Brgy. Bagumbayan

- Nang buksan ang unit ay tumambad ang katawan ng "Because of You" singer na wala nang buhay sa kanyang higaan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami sa mga nakatrabaho ng R&B singer na si Keith Martin ang nabigla sa paglabas ng balitang pumanaw na ito. Natagpuan umano ang katawan ng singer sa kanyang condo unit sa Quezon City.

R&B singer na si Keith Martin, pumanaw na sa edad na sa edad na 56
Sheree Bautista at Keith Martin (Sheree Vidal Bautista II)
Source: Facebook

Sa Facebook post ng dating Viva Hot Babe na si Sheree Bautista, nagbalik-tanaw ito sa huling beses na nagkasama sila. Binahagi niya rin ang pinakahuling collaboration nila ni Keith.

Read also

Ana Jalandoni, desididong magsampa ng kaso kay Kit Thompson ayon sa kanyang abogado

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang singer songwriter na si Thyro Alfaro ay naglabas ng mensahe para sa singer.

R.I.P. Keith Eric Martin! I'll never forget what you said to me after our gig. "You ain't like those other dudes. You up there yokin! We need more of those" #BecauseOfYou

Ang R&B singer na si Kris Lawrence ay nag-post din kaugnay sa pagpanaw ng singer.

This news is shocking. Gone too soon Keith Eric Martin. You will be missed brotha. Your music will live in our hearts forever.

Ayon sa lumabas na ulat mula sa Journal News Online, inireklamo ng isang unit owner ang amoy kaya hinanap ng property manager ang pinaggagalingan ng amoy. Nagmula umano ito sa unit ng American singer/songwriter kaya agad na ni-report ito sa BPSO ng Bgy. Bagumbayan.

Read also

VP Leni, pinasalamatan ang mga celebrities na nagpasaya sa Pasig rally

Nang buksan ang unit ay tumambad ang katawan ng "Because of You" singer na wala nang buhay sa kanyang higaan.

Si Keith Eric Martin ay isang American R&B singer-songwriter at record producer. Sumikat siya sa kanyang mga romantic love songs. Isa sa pinakasikat niyang awitin ay ang Because of You.

Taong 2004 nang maging in-house producer siya ng EMI sa Manila, Philippines. Naging producer at song-writer siya para sa mga Philippine and Indonesian artists. Ilan sa kanyang mga collaboration sa mga local artists ay kasama si Kyla sa kanyang Not Your Ordinary Girl at Beautiful Days album. Nakasama niya din sina Gloc-9, Gary V at marami pang iba.

Ilan sa kilalang R&B singer sa bansa ay sina Jay-R at Kyla na kilala sa bansag na Prince at Prince of R&B.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel