Nanay ni Madam Inutz, emosyonal sa kanyang unti-unting paggaling
- Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Madam Inutz ang therapy session para muling makalakad ang kanyang ina
- Pinasalamatan ni Madam Inutz ang manager niyang si Wilbert Tolentino dahil ito umano ang nagbigay ng pera para sa therapy ng ina
- Taong 2016 umano nang ma-stroke ang kanyang ina ngunit hindi niya naituloy ang pagpapa-therapy dahil wala na umano siyang pera
- Hindi naman napigilan ng ina ni Madam na maiyak nang sabihin ng anak na gusto niyang muling makalakad ang ina kaya niya ginagawa ang lahat ng kanyang makakaya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Masayang binahagi ni Madam Inutz ang unti-unting pag-igi ng kalagayan ng kanyang ina. Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Madam Inutz ang therapy session para muling makalakad ang kanyang ina.
Aniya, inilaan niya talaga para sa therapy ng ina ang perang binigay ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino. Kwento pa ni Madam, taong 2016 nang na-stroke ang kanyang ina. Sinubukan niyang ipa-therapy ang ina ngunit hindi na iyon natuloy dahil sa wala na siyang pera para sa therapy.
Unti-unti nang inaigagalaw ng ina ni Madam ang kanyang kamay at paa. Gayunpaman, tuloy-tuloy pa umano ang therapy para sa tuluyan nitong paggaling.
Payo ni Madam sa mga netizens, gawin ang lahat para sa mga magulang. Aniya, nais niyang makalakad muli ang ina kaya ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya. Dito na naiyak ang kanyang nanay.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Panuorin ang kabuuan ng video dito:
Si Daisy Lopez o Madam Inutz ay isang online seller na sumikat nang todo sa social media dahil sa kakaibang paraan niya ng pagbebenta ng mga ukay-ukay niyang paninda.
Lalong dumami ang kanyang tagasubaybay matapos mag-viral ang kanyang mga video sa social media kabilang na ang pagbenta niya ng aniya'y damit na pamburol. Sa kabila ng mga libo-libong viewers ay walang bumibili sa kanyang mga paninda. Kinalaunan, ito naman ang naging daan para sa mas makilala siya at nagbukas ng magagandang opportunidad para sa kanya.
Matatandaang nauna na siyang pumirma ng kontrata sa isang talent agency. Gayunpaman, marami sa kanyang mga tagasuporta ang hindi nagustuhan ang kanyang desisyon at umalma. Kaya naman nakapagpasya siyang huwag nang ituloy ang pagpapa-manage sa nasabing agency at napili niya si Wilbert Tolentino bilang maging manager niya.
Source: KAMI.com.gh