Mystery girl na naghatid ng dinner ni Hash Alawi sa kanyang vlog, ikinaintriga ng netizens

Mystery girl na naghatid ng dinner ni Hash Alawi sa kanyang vlog, ikinaintriga ng netizens

- Sa kanyang "24 Hours in the Car Challenge" isang babae ang naghatid ng dinner ni Hash Alawi

- Gayunpaman, ayaw nitong magpakita sa camera kaya tinigil pansamantala ni Hash ang pagkuha ng video ng ihatid nito ang pagkain

- Hindi na rin pinangalanan ang babae ngunit base sa ngiti ni Hash at mga nababanggit nito ay mukhang pumapag-ibig na ang kapatid ni Ivana Alawi

- Marami sa mga netizens ang naintriga at humiling ng "Mystery Girl Reveal" para makilala nila ang babaeng nagpapasaya sa vlogger

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ikinaintriga ng mga followers ni Hash Alawi kung sino ang mysterious girl sa kanyang vlog episode kung saan ginawa niya ang "24 Hours in the Car Challenge. Hinatiran siya ng dinner si Hash ngunit ayaw nitong magpakita sa camera.

Mystery girl na naghatid ng dinner ni Hash Alawi sa kanyang vlog, ikinaintriga ng netizens
Hash Alawi (@hash.alawi)
Source: Instagram

Hindi naman diretsahang sinabi ni Hash kung ano ang relasyon niya sa babae ngunit hindi niya maitago ang kanyang kilig at ngiti. Nagsabi pa ito na "smells like love" ang unan na binigay ng mystery girl sa kanya.

Read also

Mirror selfie ni Sue Ramirez bago ang matinding eksena sa TBMV, kinagiliwan online

Marami sa mga viewers niya ang naintriga kung sino ang babaeng ito na nagpapakilig sa kapatid ni Ivana. marami sa kanila ang natuwa na sa wakas ay "pumapag-ibig" na rin si Hashim.

Narito ang ilan sa mga komento ng kanyang mga viewers:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gosh!!! Sino si “smell’s like love” … gawa naman vid with her.. kahit tago lang face☺️ congratulations Hash! You deserve to be happy and you deserve to have a great woman .
HASHHHH!! Curious here kung sino yung nag deliver ng dinner food.. and that "smells like love" after smelling the pillow
Who's the mystery girl n naghatid ng food mo Hash? Ang swerte ng magiging gf mo..ang bait mo kaya and also ur family...jowa reveal naman s next vlog mo.

Si Hashim Alawi ay kapatid ng aktres na sumikat sa kanyang mga YouTube videos. Matapos ang ilang beses na paglabas niya palagi sa mga video ng kapatid, marami ang humanga sa kanya.

Matatandaang sinorpresa ni Ivana si Hashim sa pamamagitan ng pakikipag collab nito kay Donnalyn. Unang beses na inamin ni Hashim na hinahangaan niya si Donnalyn sa isang vlog ni Ivana kung saan naibunyag nito ang tungkol sa paninigaw sa kanya ng isang TV host.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel