Kim Chiu, inaalala ang dinanas na van shooting incident noong 2020

Kim Chiu, inaalala ang dinanas na van shooting incident noong 2020

- Nagbalik-tanaw si Kim Chiu sa kanyang dinanas na shooting incedent noong taong 2020

- Nitong March 4, hindi napigilang mag-post ni Kim upang ipagpasalamat na ligtas siya sa kabila ng dinanas

- Matatandaang naging laman ng balita noon ang pangyayari lalo at may mga tama ang sasakyan ni Kim

- Gayunpaman, dahil din sa insidenteng ito, may mga bumatikos at kumwestiyon sa kanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagbalik-tanaw si Kim Chiu sa pamamagitan ng kanyang Instagram stories sa nangyaring shooting incident noong 2020 na kanyang kinasangkutan. Ibinahagi niya ang kanyang pasasalamat na sa kabila ng lahat ay ligtas siya.

Rico Blanco, binahaging wala silang Valentine Day plans ni Maris Racal
Kim Chiu (@chinitaprincess)
Source: Instagram

Itinuturing umano niyang himala ang nangyari dahil kahit hindi niya maipaliwanag ay nakaligtas pa rin siya sa kapahamakan. Aniya, nagpapasalamat siya na nakaligtas siya at alam niyang hindi pa tapos ang kanyang purpose sa mundo.

Read also

Diego Loyzaga, nakasama ang amang si Cesar Montano matapos ang 7 taon

“3.4.2020, [two] years ago… my guardian angel saved me. That day, the Holy Spirit showed me that miracles do happen. It’s hard to explain but it just happened. Thank you Lord God for the gift of life. I am forever thankful that I know my purpose in this world is not yet over.”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang Instagram story ay ibinahagi niya ang picture ng isang rosary.

“Walk by faith. Good night everyone. Live each day with a grateful heart,”

Matatandaang papunta noon si Kim sa taping ng kanyang seryeng "Love Thy Woman" nang pagbabarilin ng gunmen na sakay sa motorsiklo ang kanyang van. Sa kabutihang palad ay walang nasaktan sa kanila. Kasama niya noon ang kanyang assistant at ang kanyang driver.

Sa isang vlog ay sinabi ni Kim na napagkamalan lamang siya at humingi umano ng dispensa sa kanya ang actual target.

Read also

GMA News reporter na si Oscar Oida, nakalabas na sa ospital

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Kamakailan ay pinasilip ni Kim Chiu ang kanyang sosyaling boots collection na kanyang nabili mula sa kanyang kita mula sa kanyang pag-aartista.

Naging viral din ang picture ni Kim kasama ang kanyang boyfriend na si Xian Lim na kuha mula sa kanilang Yoga session.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel