Buntis na dating majorette, kinagiliwan sa kanyang viral baton twirling exhibition
- Kinagiliwan ng mga netizens ang buntis na biglang nag-exhibition sa kalsada gamit ang baton
- Dati palang majorette ang buntis na todo hataw nang mapa-daan ang banda sa kanila
- Pabirong napasigaw ang majorette na kumuha ng video ng "ate 'yung bata" dahil sa husay ng exhibition nito
- Umabot na sa mahigit 820,000 views ang views at mayroon na rin itong 15,000 na positibong reaksyon
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Viral ngayon ang video ng buntis na nagawa pa ring mag-baton twirling exhibition sa gitna ng kalsada.
Nalaman ng KAMI na dating leader ng mga majorette ang buntis na mula Tanay, Rizal.
Sa panayam ng Philippine Star sa uploader at isa ring majorette na si Sharmaine Federizo, ang buntis ang nagtuturo sa kanilang mga majorette ng exhibition bilang bahagi ng bandang San Ildefonso Band 78.
Maging si Sharmaine ay nagulat sa ginawang solo performance ng buntis nang mapadaan ang banda sa kanilang tirahan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ayon pa kay Sharmaine, pabiro lamang niyang naisigaw ang "Ate,yung bata" dahil sa kahanga-hangang galawan ng dating majorette na animo'y hindi buntis sa husay pa rin nito.
Umabot na sa mahigit 820,000 ang views ng video na na-upload noong Enero 23. Mayroon na rin itong 15,000 na positibong reaksyon.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens:
"In fairness kay ate, solid pa rin ang dance moves niya. Ingat lang po"
"Ang galing! akalain mong kaya pa rin niya yan kahit may bitbit na siya o"
"Nung una nag-worry ako pero ang galing ni ate na-amaze na ako"
"No wonder siya ang leader ng majorette noon, mahusay kahit buntis na"
Matatandaang noong nakaraang taon 2021, nag-viral naman ang tinatawag na Labor TikTok videos.
Doon, makikitang nagagawa pa umanong mag-TikTok ng mga buntis na nagli-labor na dahil sinasabing makatutulong ito sa kanilang panganganak.
Nag-viral din ang kwento ng magkakabarkada na nagulat nang malamang sabay-sabay halos silang nagdadalangtao.
Dahil dito, hangad din nilang maging malalapit na magkakaibigan ang kani-kanilang mga anak.
Source: KAMI.com.gh