Limang magkakabarkada, nagulat nang malamang sabay-sabay pala silang nagbubuntis

Limang magkakabarkada, nagulat nang malamang sabay-sabay pala silang nagbubuntis

- Nagulat ang limang magkakaibigan nang malamang sabay-sabay pala halos sila na nagbubuntis

- Hindi muna nila nasabi sa kanilang grupo ang kanilang pagdadalang-tao ngunit isa sa kanila ang hindi nakatiis

- Kaya naman sinabi na rin ng apat pa sa kanilang grupo na sila rin ay nagbubuntis

- Hiling nila na maging magkakaibigan din ang kanilang mga supling pagdating ng araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Limang magkakaibigan ang nagulat ng mapag-alaman nilang halos sabay-sabay pala silang nagbubuntis.

Nalaman ng KAMI na natuwa rin maging ang kanilang photographer na si Marvin Ponce nang magpakuha sa kanya ng larawan ang grupo na pare-parehong buntis.

Limang magkakabarkada, nagulat nang malamang sabay-sabay pala silang nagbubuntis
Ang ilan sa barkadahan ng 'Bhaikazy' na sabay-sabay na nagbuntis (Photo from Marvin Ponce)
Source: Facebook

Sa panayam ng GMA News sa isa sa kanila na si Cherley Mae Nicolas, hindi raw planado ang kanilang sabay-sabay na pagdadalang-tao.

Nagulat pa raw sila na sa kanilang group chat kung saan isa sa kanila ang umaming buntis, sunod-sunod na ang pagsisiwalat ng apat na maging sila rin ay nagdadalang-tao.

Read also

Wilbert sa mga umano'y tumutuligsa kay Madam Inutz: "Lumaban kayo ng patas!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, ikalawang pagbubuntis na ng iba sa kanila at ang kanilang panganay ay halos magkakasingtanda rin.

Dahil dito, hiling nilang maging malalapit na magkakaibigan din ang kanilang mga anak upang matuloy ang magandang samahan na kanilang nasimulan.

Sinasabing masuwerte ang isang tao kung nakahanap ito ng kanyang maituturing na tunay na mga kaibigan. Malaking bagay na may mga taong naging malalapit sa ating puso kahit hindi natin sila kadugo.

Samantala, ang iba namang matatalik na magkakaibigan ay nauuwi sa 'pag-iibigan.' Ito naman ang kwento ng mag-best friend noong elementary na nauwi sa pagiging magkasintahan. At matapos nilang magtapos ng pag-aaral, nauwi pa sa simbahan ang kanilang pagmamahalan.

Mayroon din namang magkasintahan na nagawang mapagtapos ng pag-aaral ang matalik niyang kaibigan na kanya ring nobya. Labis itong ipinagpapasalamat ng babae na hindi naman siya binigo at agad ding nakahanap ng maayos na hanapbuhay.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica