Anak ni Candy Pangilinan na si Quentin, nag-positibo din sa COVID

Anak ni Candy Pangilinan na si Quentin, nag-positibo din sa COVID

- Matapos niyang ibahagi kamakailan ang pagpositibo niya sa COVID sa pangalawang pagkakataon, minabuti ni Candy Pangilinan na alamin kung may kasama pa siya sa bahay na tinamaan din ng COVID

- Sa kabila kasi ng kanyang pag-iisolate, posibleng mayroon din ang kanyang kasamahan sa bahay dahil nakasalamuha niya ang mga ito bago niya natuklasang may COVID siya

- Matapos ang antigen test sa kasamahan niya sa bahay, tanging ang kanyang mommy ang nag-negative ngunit kailangan pa itong kumpirmahin sa pamamagitan ng isa pang test

- Kasama ang kanyang anak na si Quentin sa nagpositibo rin sa COVID

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bumuhos ang mga mensahe ng pagsuporta at pagpapalakas ng loob kay Candy Pangilinan matapos niyang ibahagi ang bagong video sa kanyang YouTube channel kung saan pinakita niya ang naging resulta ng pagsasagawa ng antigen test sa kasamahan niya sa bahay.

Read also

10-anyos na dating nag-aararo, tuluyang nabago ang buhay matapos maitampok sa KMJS

Anak ni Candy Pangilinan na si Quentin, nag-positibo din sa COVID
Candy Pangilinan (@candypangilinan)
Source: Instagram

Matapos ang antigen test sa kasamahan niya sa bahay, tanging ang kanyang mama ang nag-negative ngunit kailangan pa itong kumpirmahin sa pamamagitan ng isa pang test. Maging ang anak niyang si Quentin ay kabilang sa mga nagpositibo rin.

Gayunpaman, dahil sa naging resulta, pinag-iisipan umano nila kung kailangang ilipat muna ng bahay ang kanyang mommy. Samantala, hindi naman nalungkot ang anak niyang si Quentin dahil makakasama niya na umano ang kanyang mommy.

Narito ang ilan sa mensahe ng kanyang mga viewers:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mam Candy you're a brave and kind woman inside and out...wag mo po masyado isipin at dibdibin ang mga nanyayare...mas maa apektohan po ang health mo...mas kailangn ka po nila na malakas ka...don't worry. everything will be ok.
Sana po maging maayos na ang result mam Candy be brave for ur family mahal po namin kayo ng family q at kasama po kayo sa aming dasal

Read also

Korina Sanchez, pinalitan ang aniya'y "miscalculated words" niya sa IG caption

Praying for your whole family, especially to Quentine. Be strong po Ms.Candy.

Si Candy Pangilinan ay isang film at television actress sa bansa. Una niyang nakamit ang best actress award sa CineFilipino noong 2016 at sa Los Angeles International Film Festival.

Sa naging eksklusibong panayam ng KAMI kay Candy, naikwento nito ang kanyang mga pinagdaanan sa pagiging single mom sa anak na si Quentin na kanyang pinakamamahal.

Matatandaang kamaialan lang ay isinapubliko niya ang tungkol sa pagkakaroon niya ng COVID sa pangalawang pagkakataon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel