Mystica at Pambansang Kolokoy, kinaaliwan sa bagong video ni PK

Mystica at Pambansang Kolokoy, kinaaliwan sa bagong video ni PK

- Kinaaliwan sina Mystica at content creator na si Pambansang Kolokoy sa bagong video kung saan nag-mukbang silang dalawa

- Habang kumakain ay kinapanayam ni Pambansang Kolokoy si Mystica tungkol sa kanyang career sa showbiz

- Kasalukuyang nasa Amerika si Mystica at nagpeperform sa mga events at tumatanggap din siya ng hosting jobs

- Matatandaang nag-viral kamakailan ang video ni Mystica kung saan nakasama niya si PK

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Pambansang Kolokoy sa kanyang YouTube channel ang bagong Mukbang video niya kasama si Mystica. Matatandaang nag-viral kamakailan ang video ni Mystica kung saan nakasama niya si PK.

Mystica at Pambansang Kolokoy, kinaaliwan sa bagong video ni PK
Mystica at Pambansang Kolokoy, kinaaliwan sa bagong video ni PK (Screenshot from Pambansang Kolokoy/YouTube)
Source: Instagram

Nilinaw naman ni Mystica na wala namang ibang kahulugan yung paghalik niya sa pisngi ni PK sa naibahagi niyang video na umani ng samu't-saring komento.

Ayon naman kay PK, na starstruck siya nang makita niya si Mystica dahil napapanood niya umano ito noon.

Read also

Rosmar Tan sa bashers nya: "Ayan na ako na ang sosolusyon sa problema nyo"

Naibahagi naman ni Mystica na bago ang kanyang showbiz career sa Pilipinas ay nanggaling na rin siya sa Amerika kung saan isa umano siyang dancer.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy ay nakilala sa kanyang mga nakakaaliw na mga online videos. Isinilang siya sa La Union at lumaki sa Baguio City kasama ang kanyang lolo at lola. Taong 1994 nang lumipat siya sa US para makasama ang kanyang mga magulang na OFW.

Matatandaang inamin ni Joel Mondina sa pamamagitan ng isang video ang tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang misis na si Marites Mondina. Aniya, ayaw pa sana niya magsalita dahil may prosesso silang ginagawa ngunit marami umano ang nagtatanong kung bakit hindi na kasama si Marites sa mga video na binahagi ni Joel. Inamin niya din na mayroon siyang bagong karelasyon sa kasalukuyan at masaya umano sila. Nilinaw din niyang maayos ang kalagayan ng kanilang mga anak at hindi umano siya pabayang ama.

Samantala, matapos lamang ang ilang araw na rebelasyon ng kanilang hiwalayan, nagkasama muli sa vlog sina Pambansang Kolokoy at Marites. Marami raw umano sa kanilang mga subscribers ang nakaka-miss kay Marites kaya naman pinagbigyan nila itong makita muli. Nagbigay mensahe rin si Pambansang Kolokoy sa mga balak na mag-unsubscribe sa kanya dahil sa nangyari. Gayunpaman, makikitang

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel