China Roces, masaya na natupad ang kanyang pangarap na family picture

China Roces, masaya na natupad ang kanyang pangarap na family picture

- Masayang ibinahagi ni China Roces ang kanilang family picture kasama ang kanyang anak at dating karelasyon na si TIm Sawyer

- Ani China masaya siyang natupad na ang kanyang pangarap na magkaroon sila ng picture kung saan kasama si Timothy at ang ama nitong si TimSawyer

- Binanggit din nito na pangarap niyang makuhanan ang Christmas tree bilang background ng kanilang picture

- Hindi kinaligtaan ni China na pasalamatan si TIm dahil aniya at natupad ang kanyang pangarap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi maitago ni China Roces ang kanyang kasiyahan na natupad ang kanyang pangarap na makapagpapicture kasama ang mag-amang Timothy at Tim Sawyer ngayong Pasko. Masayang ibinahagi ni China Roces ang kanilang family.

China Roces, masaya na natupad ang kanyang pangarap na family picture
China Roces (@yourbabychina)
Source: Instagram

Binanggit din nito na pangarap niyang makuhanan ang Christmas tree bilang background ng kanilang picture. Hindi kinaligtaan ni China na pasalamatan si TIm dahil aniya at natupad ang kanyang pangarap:

Read also

Sweet video nina China Roces at Tim Sawyer, viral sa social media

Natupad din ang pangarap ko magkaroon ng picture sa likod ng Christmas Tree kasama ang Anak naming si Baby Timothy Sawyer at ang papa niya ngayong pasko...Thank u so much Tim Sawyer❤️ Sobrang saya ko

Samantala narito ang reaksiyon ng ilang netizens:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Beautiful family happy happy Si baby Timothy kasama ang papa nya merry Christmas ma'am Chenna Sana mag kabalikan Kau Ni sir Tim para Kay Timothy para Si Timothy lumaki kumplito magulang godbless family.
Ok lng kung para sa anak niyung dalawa atleast may tatay siyang nakita at gumagabay sa kanya.peru think twice maam china kung sakaling mgkabalikan kayu.dahil pag nagawa kanyang lokohin at sinaktan uulit at uulit din yan.masaya na buhay mo ngayun sa piling ng bago mo.always ka fresh at parang walang problema.just saying lng po

Read also

Alwyn Uytingco, masayang ibinahagi ang kanilang family picture ngayong Pasko

Si China Roces ay sumikat bilang FHM cover girl. Pinasok niya na rin ang paggawa ng vlog matapos ang kontrobersiyal na paghihiwalay nila ng vlogger na si Tim Sawyer. Kinalaunan ay naging talent na rin siya ng VIVA.

Tuluyan nang naghiwalay sina China at Tim. Matatandaang naging emosyonal si China nang ibahagi niya ang paghihiwalay nila.

Kasunod nito ay naglabas ng pahayag ang mga kaibigan ni Tim para pasinungalingan ang naging pahayag ni China kaugnay sa paghihiwalay nila ni Tim.

Kamakailan ay pinayagan na rin ni China na magkita sina Tim at ang anak nilang si Timothy.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel