Sweet video nina China Roces at Tim Sawyer, viral sa social media

Sweet video nina China Roces at Tim Sawyer, viral sa social media

- Viral ngayon sa social media ang sweet na video nina China Roces at Tim Sawyer dahil mukhang nagkaayos na ang dalawa base sa kanilang pagiging malapit

- Sa isang bahagi ng video ay humalik pa sa pisngi ni China si Tim at kumandong pa si China kay Tim

- Matatandaang naging maingay ang kanilang paghihiwalay na humantong pa sa programa ni Raffy Tulfo

- Kamakailan ay pinayagan na rin ni China na magkita sina Tim at ang anak nilang si Timothy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang halos isang taon mula ng sila'y maghiwalay, muling nagkita ang dating magkarelasyon na sina China Roces at Tim Sawyer. Viral ngayon sa social media ang sweet na video nila dahil mukhang nagkaayos na ang dalawa base sa kanilang pagiging malapit.

Sweet video nina China Roces at Tim Sawyer, viral sa social media
China Roces (@yourbabychina)
Source: Instagram

Sa isang bahagi ng video ay humalik pa sa pisngi ni China si Tim at kumandong pa si China kay Tim. Matatandaang naging maingay ang kanilang paghihiwalay na humantong pa sa programa ni Raffy Tulfo.

Nagkaroon sila ng kani-kanilang mga karelasyon matapos ang paghihiwalay nila. Nakakasama ni Tim sa kanyang mga videos ang kanyang karelasyon hanggang sa nagkaroon din ng isyu ang mga ito kamakailan.

Samantala, naging usap-usapan din ang engagement ni China Roces sa kanyang karelasyon nitong taon lamang.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa reaksiyon ng mga netizens:

Ito ung couple na lagi ko inaabangan sana po mabuo kau uli para kay baby timothy sana po magkapatawaran nalang at maayos ung mga bagay na di napagkasunduan para happy family at maging happy si baby timothy Oo babaero si Tim Sawyer pero malay mo distym marealize nia ung mali nia at si Idol China Roces bigyan nia ng 2nd chance si tim para sa anak nila tao lang nagkakamali nobodies perfect Goodluck sa couple idol ko we love you both Merry christmass #katimchi

Happy family gift sa iyu ni Lord yan answer prayer ka God is good all the time

Si China Roces ay sumikat bilang FHM cover girl. Pinasok niya na rin ang paggawa ng vlog matapos ang kontrobersiyal na paghihiwalay nila ng vlogger na si Tim Sawyer. Kinalaunan ay naging talent na rin siya ng VIVA.

Tuluyan nang naghiwalay sina China at Tim. Matatandaang naging emosyonal si China nang ibahagi niya ang paghihiwalay nila.

Kasunod nito ay naglabas ng pahayag ang mga kaibigan ni Tim para pasinungalingan ang naging pahayag ni China kaugnay sa paghihiwalay nila ni Tim.

Kamakailan ay pinayagan na rin ni China na magkita sina Tim at ang anak nilang si Timothy.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel