Candy Pangilinan, humingi ng dispensa matapos i-congratulate si Alex Gonzaga sa post nito
- Matapos ang ilang araw na pananahimik matapos lumabas ang balitang nakunan siya, binasag na ni Alex Gonzaga ang kanyang katahimikan
- Sa isang Instagram post ay ikinuwento ni Alex ang pangyayari simula nang una nilang malaman ang tungkol sa kanyang pagbubuntis
- Gayunpaman, hindi nabasa nang buo ni Candy Pangilinan ang caption at binati niya si Alex sa pag-aakalang buntis na ito dahil sa picture ng positive na pregnacy test
- Inihingi ng paumanhin ni Candy ang kanyang naging komento at nilinaw na hindi niya agad nabasa ang kabuuan ng sinabi ni Alex
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Agad na humingi ng dispensa si Candy Pangilinan matapos siyang magkomento sa post ni Alex Gonzaga. Binati niya si Alex sa pag-aakalang buntis na ito dahil sa picture ng positive na pregnacy test .
Matapos ang ilang araw na pananahimik matapos lumabas ang balitang nakunan siya, binasag na ni Alex Gonzaga ang kanyang katahimikan. Sa isang Instagram post ay ikinuwento ni Alex ang pangyayari simula nang una nilang malaman ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.
Malungkot man sa nangyari, positibo pa rin ang pananaw ng mag-asawang Alex at Mikee Morada. Natanggap nilang ibibigay din ng panginoon ang mga bagay na kanilang hinihiling sa tamang panahon.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Bumuhos naman ang mensahe ng pagpapalakas ng loob sa mag-asawa lalo na mula sa mga kasamahan ni Alex sa showbiz. Marami ang nagpaabot ng kanilang dasal para sa mag-asawa kabilang na ang malapit na kaibigan nito na si Luis Manzano at misis niyang si Jessy Mendiola.
Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 11 million na subscribers sa kasalukuyan.
Naibahagi kamakailan ni Alex ang kanyang karanasang mahablutan ng cellphone habang nasa EDSA. Nabawi naman niya ang kanyang telepono.
Samantala, kamakailan ay naging usap-usapan ang pagbigay ni Alex ng isang motorsiklo sa isang 12-anyos na bata na isang Valedictorian.
PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."
Source: KAMI.com.gh