Heaven Peralejo, binago ang viral na "rotation" Birthday post sa IG

Heaven Peralejo, binago ang viral na "rotation" Birthday post sa IG

- Matapos maging usap-usapan ang kanyang Birthday post kamakailan, minabuti ni Heaven Peralejo na baguhin na lamang ito

- Kaunay ito sa paggamit niya ng salitang "rotation" imbes na revolution ayon sa mga netizens

- Minabuti niyang palitan na lamang ng revolution ang salitang pinantukoy niya sa bilang ng taon na kanyang pinagdiriwang

- Pinasalamatan niya na rin ang mga netizens sa aniya nagwasto sa kanyang pagkakamali

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos mag-post ni Heaven Perlejo kaugnay sa kanyang kaarawan, may mga netizens na itinama ang anila'y maling salitang ginamit ni Heaven. Kaugnay ito sa paggamit niya ng salitang rotation imbes na revolution.

Heaven Peralejo, binago ang viral na "rotation" Birthday post sa IG
Heaven Peralejo (@heavenperalejo)
Source: Instagram

Minabuti niyang palitan na lamang ng revolution ang salitang pinantukoy niya sa bilang ng taon na kanyang pinagdiriwang. Pinasalamatan niya na rin ang mga netizens sa aniya nagwasto sa kanyang pagkakamali.

Read also

Pagbati ni Kimpoy Feliciano kay Heaven Peralejo, viral na

Naging usap-usapan din ang pagbati sa kanya ni Kimpoy Feliciano kamakailan na naging ugat ng pagkakaugnay niya sa vlogger.Ma mga netizens na naniniwalang magkarelasyon sina Heaven at Kimpoy.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang aktres na su Heaven Peralejo ay aktres na nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 kung saan nakilala siya sa bansag na Mommy's Angel of Makati. Pamangkin siya ng mga dating aktres na sina Rica Peralejo at Paula Peralejo. Minsan na siyang naiugnay sa anak Nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel.

Naging usap-usapan din ang relasyon ng aktres sa aktor na si Kiko Estrada.

Matapos linawin ni Kiko na hindi si Heaven ang 3rd party sa hiwalayan nila ng dating kasintahang si Devon Seron, mas naging bukas sila sa pagpost ng kanilang mga pictures.

Read also

Barbie Hsu at mister na businessman, tuluyan nang naghiwalay

Gayunpaman, nagkahiwalay silang dalawa matapos nilang aminin ang kanilang relasyon noong 2019. Samantala, ipinagtanggol ni Jimuel si Heaven kaugnay sa lumabas na isyu at sinabing walang katotohanan na binigyan umano ng kanyang ina ng pera si Heaven.

Muli lang silang naitriga matapos mapansin ng mga netizens na hindi na naka-follow si Kiko sa IG account ni Heaven. Burado na rin lahat ng ibinahaging pictures ni Kiko sa kanyang Instagram kung saan kasama niya ang aktres. Kamakailan lang din nang aminin ni Heaven na single na siya ngunit hindi pa umano ready to mingle.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel