Xian Gaza, umutang ng PHP100,000 kay Boss Toyo para sa singsing: "Hindi kita iiscammin"

Xian Gaza, umutang ng PHP100,000 kay Boss Toyo para sa singsing: "Hindi kita iiscammin"

- Ibinahagi ni Xian Gaza na nanghiram daw siya ng P100,000 kay Boss Toyo para ipangbili daw ng engagement ring

- Aniya, naniniwala siyang walang babaeng deserve ng 299 ring na inorder sa online shop

- Kaya naman, kahit naghihirap daw siya at walang pera ay gagawan niya ng paraan

- Dagdag pa niya, kung hindi niya kayang diskartehan ang pambili ng engagement ring, lalo daw ang kinabukasan nila at ng magiging anak nila

Binahagi ni Xian Gaza ang screenshot ng pag-uusap nila ni Boss Toyo. Nanghiram daw siya ng P100,000 kay Boss Toyo para pambili ng engagement ring.

Xian Gaza, umutang ng PHP100,000 kay Boss Toyo para sa singsing: "Hindi kita iiscammin"
Xian Gaza, umutang ng PHP100,000 kay Boss Toyo para sa singsing: "Hindi kita iiscammin"
Source: Facebook
Hindi ako liquid ngayon kaya umutang ako ng PHP100,000 kay Boss Toyo pambili ng singsing.

Aniya, naniniwala siyang walang babaeng deserve ng 299 ring na inorder sa online shop.

Kahit naghihirap na ko at walang pera eh gagawan ko ng paraan kasi naniniwala ako na walang babae ang may deserve ng 299 ring mula sa Shopee.

Read also

Papi sa kapatid na si Paye: "Hanggang sa pagpikit ng mata nya mas famous daw talaga sya"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dagdag pa niya, kung hindi niya kayang diskartehan ang pambili ng engagement ring, lalo daw ang kinabukasan nila at ng magiging anak nila.

Kung hindi ko kayang diskartihan ang isang decent engagement ring, paano pa kaya yung kinabukasan naming dalawa at ng magiging anak namin?

Sa comments section ng kanyang post ay pabiro pa nitong sinabihan si Boss Toyo na hindi niya ito iiscamin.

Nagpaliwanag din siya na hindi naman kailangang ganung halaga talaga basta huwag lang daw 299 ang presyo.

Hindi naman kailangang 100K jusko mababaon ka lang sa utang. Mga 5K pwede na yun, sahod mo for one week. Basta huwag lang P299 mula sa Shopee.

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam.

Read also

Xian Gaza sa kanyang fiancée: "I thought marriage is just a paper, 'til I met you"

Biniro ni Xian Gaza ang malapit na kaibigang si Zeinab Harake na puro lang daw basketball ang inaatupag nito. Sa comments section ng kanyang post, tinanong siya ni Zeinab kung kailangan na ba daw niyang sumunod kay Xian sa lugar kung nasaan siya. Pabiro naman siyang sinagot ni Xian na paalis na siya lalo kung dalawa silang susunod. Hindi man binaggit ni Xian ang pangalan kung sino ang tinutukoy niya, nagbiro ito ng tungkol sa viral na video na binahagi ni Bobby Ray Parks Jr. na sinusuklay niya ang buhok ni Zeinab.

Nagbahagi si Xian ng picture niya kasama si Angelica Yap na kilala bilang si Pastillas Girl. Sinagot niya ang mga komento sa kanya na balimbing daw siya dahil sa pakikipagkaibigan kay Angelica. Ito ay dahil sa kanyang pagiging malapit na kaibigan din ni Zeinab Harake na naglabas ng sama ng loob laban kay Angelica na dati niya ding malapit na kaibigan. Ani Xian, hindi siya makikisali sa gulo ng magkakaibigang ito at mananatili siyang isang tunay na kaibigan sa kanila kahit pa magkatampuhan ang magkaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags:
Online view pixel