Cristy Fermin, nilarawang marespeto si Vhong Navarro bilang kasama sa industriya

Cristy Fermin, nilarawang marespeto si Vhong Navarro bilang kasama sa industriya

- Nilarawan ni Cristy Fermin na marespeto umano ang kontrobersyal na TV host-actor ngayon na si Vhong Navarro

- Aniya, nasabi niya ang magagandang salita na ito kay Vhong bilang kasama sa industriya ng showbiz

- Bukod sa pagiging marespeto, hindi raw niya kailanman nakitaan ito ng kayabangan kahit bumulusok na ang career nito sa telebisyon man o sa pelikula

- Kasalukuyang nasa kustodiya ng NBI Si Vhong sa umano'y kasong isinampa sa kanya ng nagreklamong si Deniece Cornejo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga natalakay nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika sa Showbiz Now Na! ay ang tungkol sa kontrobersyal na TV host-actor na si Vhong Navarro.

Cristy Fermin, nilarawang 'marespeto' si Vhong Navarro bilang kasama sa industriya
Vhong Navarro (@vhongx44)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na pinuri ng tatlo ang umano'y nakita nilang pagkatao at pag-uugali ni Vhong.

Nilinaw din nila na ang mga binigay umanong pahayag ay walang kinalaman sa pinagdaraanan ngayon ni Vhong na ngayo'y nasa kamay ng NBI dahil sa isinampang reklamo ng modelong si Deniece Cornejo.

Read also

Ogie Diaz kay Pia White na umano'y nakalaya na: "Magbago na kayo"

Ayon kay Cristy, minsan niyang nakasama si Vhong sa isang show sa Canada. Doon nakita niya umano ang pagiging marespeto nito sa sinomang nakakasalamuha.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Sa mga shows po namin, kapag kumukuha po siya ng babae sa audience, Pilipino o banyaga ang itatanong niya kapag ba kinuha ko ang kamay mo o inakbayan kita, may magagalit ba sa'kin sa audience? Marespeto!" ani Cristy.

"Ang inyo pong lingkod ay nakasama si Vhong Navarro ng mahigit na isang buwan. Matagal 'yun. .. Tuwing weekend ang aming show kaya may oras kamoing magkasam-sama para magbonding at lumabas para makapagkwentuhan ng todo. Sabi isang linggo lang ay makikilala mo na ang isang personality. Ito pong haba ng panahon na ito siguro po'y sobra na sa sapat ang nakilala ang isang Vhong Navarro," dagdag pa niya.

Read also

Cristy Fermin, diskumpiyado sa umano'y pagtanggi ni Markus Paterson tungkol kay Janella

"Wala siyang kayabang-yabang sa katawan. Kahit po sumikat siya bilang isang dancer, kahit po sumikat siyang isang komedyante na nagbibida sa mga pelikula, ala e, wala kang makikitang kayabangan kay Vhong Navarro"

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag:

Si Cristy Fermin isa sa mga respetadong showbiz reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, pinangunahan niya ang iba't ibang mga talk shows kung saan masasagap ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pamamayagpag sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel