Cristy, sinabing tiklop ang lahat sa isyu nina Marjorie at Dennis kung si Gretchen ang magsalita

Cristy, sinabing tiklop ang lahat sa isyu nina Marjorie at Dennis kung si Gretchen ang magsalita

- Ayon kay Cristy Fermin, si Gretchen Barretto umano ang nakakaalam ng mga totoong kaganapan sa buhay nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla

- Ito ay dahil sa hindi mamatay-matay na issue ng dating mag-asawa gayundin ng kanilang mga anak

- Naging mainit na usapin muli kasi ito kamakailan ng ang kanilang anak na si Julia Barretto ay nagkaroon ng kontrobersyal na pahayag sa panayam sa kanya ni Karen Davila

- Sinagot din ito ni Dennis kaya naman muling nabuhay ang isyu na matagal nang palaisipan sa publiko

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga napag-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio ang muling napag-usapang isyu nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla gayundin ng kanilang mga anak.

Cristy, sinabing tiklop ang lahat sa isyu nina Marjorie at Dennis kung si Gretchen ang magsalita
Photo: Gretchen Barretto
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nabanggit ni Cristy ang pangalan ni Gretchen Barretto na kapag nagsalita ukol sa isyu, tila titiklop umano ang lahat ng nagkokomento at nagsasalita.

Read also

Rica Peralejo sa komento na naka-diaper pa rin ang anak niya: "You do you, I do me"

"Tandang-tanda ko nang ipinanganak ni Marjorie si Leon. Isa ako sa mga nabigyan ng pagkakataon na makapanayam si Marjorie. Nakatira sila sa Loyola Grand Villa. Sa bahay ni Gretchen... Doon nakatira si Claudine Barretto at ang pamilya nina Dennis at Marjorie. Ilang taon yun. Hanggang sa dumating 'yung punto na nag-away na nga itong si Marjorie saka si Gretchen. Doon lumipat ng bahay ang pamilya ni Dennis saka ni Marjorie," naibahagi ni Cristy.

"Kaya kung si Gretchen ang magsasalita, alam niya ang kanyang sasabihin. 'Yung history hindi natin maitatago kay Gretchen siya ang may hawak noong kasaysayan ni Dennis at ni Marjorie," dagdad pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Pagka nagdesisyon si Gretchen na magsalita, malalaman natin ang katotohanan. Napakalaking tulong ni Gretchen Barretto sa buhay ni Dennis at ni Marjorie at sa kanilang mga anak."

Read also

Mister sa viral na mag-asawang sabay na nagtapos ng elementary, papag-aralin pa ng Eat Bulaga

"Seryosohan po, kapag si Gretchen ang nagdesisyon na magpaliwanag, tungkol sa isyung ito na naglalabo-labo na ang kanyang mga kadugo, doon po natin makikita ang totoong kasaysayan ng pagsasama ni Marjorie at saka ni Dennis. Alam niya lahat, walang maitatago"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel nilang Showbiz Now Na!:

Si Cristy Fermin isa sa mga respetadong showbiz reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, pinangunahan niya ang iba't ibang mga talk shows kung saan masasagap ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pamamayagpag sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel