Xian Gaza, ibinunyag ang dahilan kung bakit hindi sya makauwi ng Pilipinas

Xian Gaza, ibinunyag ang dahilan kung bakit hindi sya makauwi ng Pilipinas

- Inihayag ni Xian Gaza na takot siyang umuwi sa Pilipinas dahil sa mga nakaalitang malalaking tao

- Sinabi niyang malalakas ang koneksyon ng mga ito at kayang-kaya siyang ipa-setup

- Mas pinipili niya raw ang magandang buhay sa abroad kaysa isugal ang kanyang kaligtasan sa Pilipinas

- Kahit legal siyang pumasok at lumabas ng bansa, ayaw niyang makaranas ng mga abala at pangungutya

Ibinunyag ng kontrobersyal na social media personality na si Xian Gaza ang kanyang dahilan kung bakit hindi siya makauwi sa Pilipinas. Sa comment section ng isang post na inilabas niya, tahasang sinabi ni Gaza na takot siyang bumalik sa bansa dahil sa mga malalaking taong kanyang nakaalitan.

Xian Gaza, ibinunyag ang dahilan kung bakit hindi sya makauwi ng Pilipinas
Xian Gaza, ibinunyag ang dahilan kung bakit hindi sya makauwi ng Pilipinas
Source: Facebook

"Hindi po ako nauwi ng Pilipinas kasi takot akong ipatumba ng mga chenesmes kong malalaking tao. Yakang-yaka din nila akong ipa-setup kasi mabibigat ang mga koneksyon nila," ani Gaza. Dagdag pa niya, "Hindi worth it i-risk yung magandang buhay ko sa abroad. Legally speaking ay allowed po akong pumasok at lumabas ng bansa. Kahit ipa-check niyo pa sa Philippine Immigration."

Read also

Lalaking biglang tumalon sa binahang Recto underpass sa Maynila, hindi pala marunong lumangoy

Binanggit din ni Gaza ang mga abala at hindi kaaya-ayang karanasan na maaaring mangyari sakaling umuwi siya sa Pilipinas."Paakyat ng escalator, 'Ay si Scammer oh!' Naku bahala kayo diyan, goods na ko dito sa abroad."

Xian Gaza, ibinunyag ang dahilan kung bakit hindi sya makauwi ng Pilipinas
Xian Gaza, ibinunyag ang dahilan kung bakit hindi sya makauwi ng Pilipinas
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam.

Biniro ni Xian Gaza ang malapit na kaibigang si Zeinab Harake na puro lang daw basketball ang inaatupag nito. Sa comments section ng kanyang post, tinanong siya ni Zeinab kung kailangan na ba daw niyang sumunod kay Xian sa lugar kung nasaan siya. Pabiro naman siyang sinagot ni Xian na paalis na siya lalo kung dalawa silang susunod. Hindi man binaggit ni Xian ang pangalan kung sino ang tinutukoy niya, nagbiro ito ng tungkol sa viral na video na binahagi ni Bobby Ray Parks Jr. na sinusuklay niya ang buhok ni Zeinab.

Read also

Herlene Budol, bumwelta matapos siyang sabihang ugaling kalye

Nagbahagi si Xian ng picture niya kasama si Angelica Yap na kilala bilang si Pastillas Girl. Sinagot niya ang mga komento sa kanya na balimbing daw siya dahil sa pakikipagkaibigan kay Angelica. Ito ay dahil sa kanyang pagiging malapit na kaibigan din ni Zeinab Harake na naglabas ng sama ng loob laban kay Angelica na dati niya ding malapit na kaibigan. Ani Xian, hindi siya makikisali sa gulo ng magkakaibigang ito at mananatili siyang isang tunay na kaibigan sa kanila kahit pa magkatampuhan ang magkaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: