Cong TV, sinabing 'fake news' ang post na kasama raw sila sa kampanya ng UniTeam

Cong TV, sinabing 'fake news' ang post na kasama raw sila sa kampanya ng UniTeam

- Mismong si Cong TV na ang nagkumpirma na 'fake news' ang kumalat na post na kasama sila sa kampanya ng UniTeam

- Una na itong pinabulaan ni Vien Ilagan, isa sa kasama ni Cong sa kanilang 'Team Payaman'

- Ayon kay Cong, hindi na nga umano siya makapag-online games at basketball kaya wala na rin umano silang oras mangampanya

- Nagbigay na rin ng pahayag ang iba pang mga kilalang personalidad kaugnay sa burado nang post ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naglabas na rin ng pahayag ang kilalang YouTube content creator na si Cong TV kaugnay sa lumabas kamakailan na kasama umano ang kanyang 'Team Payaman sa kampanya ng UniTeam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte.

Cong TV, sinabing 'fake news' ang post na kasama raw sila sa kampanya ng UniTeam
Vlogger na si Lincoln Velasquez (Cong TV)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na mismong si Cong TV na ang nagsabi sa pamamagitan ng isang post na wala umanong katotohanang kasama sila sa naturang kampanya.

Read also

Valentine Rosales, nag-sorry dahil sa kontrobersyal na 7-Eleven 'Story Time' niya

Dinaan pa niya ito sa makulit ngunit makatotohanan umanong paliwanag.

"'Di nga makapagvalorant tas mangangampanya pa. Fake news," ani ni Cong na ang tunay na pangalan ay Lincoln Velasquez.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dinagdagan pa niya ito ng "hirap nga payagan magbasketball tas kampanya pa."

Matatandaang kamakailan ay inanunsyo rin ng Team Payaman ang pagbubuntis ng partner ni Cong na si Viy Cortez.

Narito ang kabuuan ng post:

Si Lincoln "Cong" Velasquez ay isa sa mga kilalang vlogger sa bansa. Mayroon na siyang halos 10 million na subscribers sa kanyang YouTube channel na Cong TV.

Bago pa man maglabas ng pahayag si Cong sa umano'y kumalat na fake news, nauna nang nasabi ng kasama nila sa Team Payaman na si Vien Ilagan na walang katotohanan ang ngayo'y burado nang post.

Read also

Celebs at musicians, inalmahan ang 'fake news' na kasama umano sila sa event ng UniTeam

Gayundin si Blaster Silonga na sinabing kailanman'y hindi mangyayari na mapabilang sila sa nasabing ganap.

Itinodo naman ni Allan Burdeos ang paliwanag kung bakit walang katotohanan ang kumakalat na pagganap.

"Gusto ko lang tahimik at hindi ma involve sa mga ganitong bagay, kaso kailangan namin gawan to ng aksyon. WE ARE NOT FOR SALE!" ayon kay Burdeos.

Maging ang Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda ay pinabulaanan din na kasama sila sa mga musicians na bahagi ng campaign rally ng BBM-Sara supporters.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica