Kutsinta vendor na tinulungan ni Ivana Alawi, ipinakita ang nilipatang bahay

- Ipinakita ng kutsinta vendor na natulungan ni Ivana Alawi ang kanyang nilipatang apartment kasama ang kanyang pamilya

- Malaki ang pasasalamat nito sa mga sumuporta sa kanya at kay Ivana na naging daan para gumanda ang kanyang buhay

- Sa loob ng apartment na nilipatan nilang mag-anak ay makikita ang ilan sa mga gamit na pinamili ni Ivana para sa kanila

- Matatandaang nag-viral ang video kung saan una silang nagkakilala ni Ivana na ibinahagi ng vlogger sa kanyang YouTube channel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ibinahagi ni tatay Joselito Martinez (ang kutsinta vendor na tinulungan ni Ivana Alawi) ang isang video ng bagong apartment na nilipatan nilang mag-anak.

Masayang-masaya ito na may sarili silang kuryente at tubig sa kanilang bagong tirahan. May internet din umano sila na magagamit ni tatay sa kanyang paggawa ng mga video para sa kanyang YouTube channel.

Kutsinta vendor na natulungan ni Ivana Alawi, ipinakita ang iba pang ibinigay nito sa kanya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos nga na mag-viral ang video nila ni Ivana, marami ang naging interesado sa buhay ng kutsinta vendor. Sa katunayan ay umabot na sa mahigit 20,000 ang subscribers nito sa kanyang YouTube channel.

Samantala, pinasalamatan ni tatay Joselito ang Panginoon sa mga biyayang kanyang natanggap. Maging ang lahat ng sumuporta sa kanyang YouTube channel ay hindi niya kinalimutang pasalamatan.

Higit sa lahat umano ay malaki ang pasasalamat niya kay Ivana na nagsilbing daan para magbukas ang marami pang oportunidad para sa kanya.

Salamat sa Dios at nakalipat kami at least dito may sarili kaming kuryente at tubig at may internet narin ...bait ng kapit bahay pinakabit kami ng wifi...Salamat sa Lahat...at higit sa lahat kay ma'am Ivana Alawi.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bea Alonzo, pinatunayang organize siya matapos sabihin ng nanay na burara siya

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit sampung milyon ang kanyang YouTube subscribers.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay marami ang naantig sa vlog ni Ivana na kung saan nagpanggap siyang pulubi at nanghingi ng tulong sa mga taong kanyang nakita sa daan. Naiyak si Ivana dahil sa kabutihang pinakita sa kanya ng isang kutsinta vendor.

Dahil dito ay hinanap ni Ivana ang vendor para mas makilala pa at matulungan ito. Dahil dito ay hinanap ni Ivana ang vendor para mas makilala pa at matulungan ito. Kamakailan nga ay nagkita silang muli.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news