Donnalyn Bartolome, bumwelta sa YouTuber na diumano'y gumamit sa lola niya para dumami ang views

- Inalmahan ng YouTuber na si Donnalyn Bartolome ang isang kapwa vlogger na diumano'y gumamit sa kanyang lola para lang tumaas ang kanyang views

- Ito ay matapos magtrending ng video na pinamagatang "Lola ng Sikat na YouTuber, namamalimos"

- Ibinahagi ni Donnalyn na walang katotohanan ang mga ibinibintang sa kanilang pamilya at iginiit na dapat ay maging responsable ang lahat ng vlogger sa inilalabas na content

- Dagdag pa ni Donnalyn, sana ay hindi pinakialaman ni Hallorina ang usaping pampamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagkabatuhan ng salita ang YouTuber na sina Donnalyn Bartolome at Jose Hallorina. Ito ay matapos diumano malagay sa kahihiyan ang pamilya nina Donnalyn dahil sa YouTube video ni Hallorina na pinamagatang "Lola ng Sikat na YouTuber, namamalimos."

Nauna nang sinabi ni Hallorina na wala siyang binanggit na pangalan kaya walang dahilan para magreact si Donnalyn. Gayunpaman, paliwanag ng dalaga, marami na ang naapektuhan sa video na ibinahagi ni Hallorina.

&Una pa lamang daw ay ipinaalam na ng pamilya ni Donnalyn ang katotohanan ngunit binura diumano ng kampo ni Hallorina ang mga comments.

"Pero delete ng informative correcting comments? Mali ang Lola pero mas mali ang pagtago ng truth, unwilling magcomply sa appeal ng mga kamaganak para lang kumita sa napakadaming ads sa Youtube. Responsibilidad na niya ‘to kasi siya ang naglabas," buwelta ni Donnalyn.

Iginiit din ni Donnalyn na walang katotohanan ang mga sinabi ng kanyang lola Josie. Ayon sa kanya, kaya nasa kalye ang kanyang lola dahil mas pinili nito ang lalaking kasama niya na tinawag niyang "Good Samaritan."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Time will reveal everything. All of it. If you’re not a family member, you shouldn’t have meddled. Sana tumulong ka nalang at ‘di nagTitle nandidiin apo na sikat at sinabing “sila ang dapat mahiya dahil wala silang help na binibigay sa’yo” Pag sinabi ko ba na hindi ako inalagaan ng nanay ko ibig sabihin totoo na ‘yun? Kahit na obviously nandito parin ako, maganda ang kalagayan lumaki ng malusog. Imagine, she’s diabetic. How do you think she survived all these years? Ask all the Bartolomes," paliwanag ni Donnalyn.

Isang matapang na mensahe ang iniwan ni Donnalyn kay Harollina. "ITIGIL MO NA ANG PAGGAMIT SA LOLA KO. NANGHIMASOK KA AT GINAMIT MONG CONTENT."

Paliwanag ng dalaga, kaya siya umalma ay dahil sa masasakit na salitang ipinupukol sa pamilya niya dahil sa video na lumabas.

Si Donnalyn Bartolome ai isinilang noong July 9, 1994, sa Yokosuka, Kanagawa Prefecture, Japan. Nakilala siya bilang isang singer, performer, YouTuber at social media influencer.

Sa naunang ulat, ibinahagi ni Donnalyn sa kanyang subscribers ang isang tour sa kanyang mamahaling hotel room.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news