2 batang nakapulot ng bag na may pera, hinanap ang may-ari at isinauli

2 batang nakapulot ng bag na may pera, hinanap ang may-ari at isinauli

- Ibinida ng isang netizen ang dalawang bata na matapat na nagsauli ng bag na may lamang malaking halaga ng pera

- Ayon sa netizen, sa halip na pag-interesan ay hinanap pa raw ng dalawa ang may-ari ng bag para isauli ito

- Sinabi rin ng netizen na karapat-dapat lamang na tularan ng marami ang dalawang tapat na bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinida ng isang netizen ang dalawang bata na matapat na nagsauli ng bag na kanilang napulot at naglalaman ng malaking halaga.

Ayon sa netizen na si Adrian Claveria, sa halip na pag-interesan ay hinanap pa raw ng dalawa ang may-ari ng bag para isauli ito.

"Ito ang karapatdapat i-flex!

"Flex ko lang itong dalawang bata nakatira sa Barangay MANAGPI Calapan City,naka pulot sila ng bag na naglalaman malaking halaga, hindi nila pinag interesan ang hindi kanila bagkus ay hinanap nila ang may ari ng bag para ibalik ito.

"Sila ang dapat tularan, mga batang may mabuting asal, maganda ang pagpapalaki ng magulang."

Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Claveria ang larawan ng dalawang batang tapat.

Bagamat simple at payak lamang ang kanilang pananamit ay napatunayan naman nila na maganda ang pagpapalaki at itinuro sa kanila ng kanilang mga magulang.

Hindi na kataka-taka kung marami ang netizens na humanga sa kanila at pumuri na rin sa kanilang mga magulang.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We all know that feeling when your favorite song starts playing in the earphones, and you can't resist the temptation to sing along and dance along! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel