Babaeng nagpabugbog kay Tatay Alexander, lumuhod para humingi ng tawad

Babaeng nagpabugbog kay Tatay Alexander, lumuhod para humingi ng tawad

- Lumuhod para humingi ng tawad at nagmakaawa ang babaeng sangkot sa viral video na kuha sa isang e-jeep

- Hiniling niya na patawarin siya at huwag nang ituloy ang pagsampa ng demanda laban sa kanya

- Naawa naman sa kanya ang anak ni Tatay Alexander Gutal at nais nang patawarin ito

- Gayunpaman, tila buo na ang loob ng biktima na magsampa ng reklamo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging madamdamin ang paghaharap ng babaeng nagpakilala bilang si Linda at ang matandang lalaking nabugbog dahil sa pambibintang na hinipuan niya ang babae.

Sa kanilang paghaharap sa Raffy Tulfo in Action, lumuhod at nagmakaawa si Linda kasama ang kanyang ina para lamang patawarin sila ni Tatay Alexander.

Gayunpaman, buo ang loob ng biktima na magsampa ng kaso lalo at sariwa pa ang kanyang mga tinamong sa pambubugbog.

Humingi din ng tawad ang ama ni Linda na kinilalang si Danny dahil sa kanyang ginawa. Paliwanag niya, nadala siya ng galit dahil may pumunta diumano sa bahay nila para ibalitang binastos ang anak niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Aminado siyang mali ang ginawa niya dahil hindi niya muna inalam ang tunay na pangyayari.

Ayon naman sa anak ni Tatay Alexander, kung siya ang masusunod ay naaawa siya sa kampo nila Linda at gusto niya silang patawarin. Gayunpaman, gusto nilang igalang ang desisyon ng ama lalo at siya ang nasaktan.

Panoorin ang video dito:

Matatandaang nag-viral ang video ng babae na nagalit sa isang mamang sumakay sa e-jeep dahil hinipuan diumano siya. Dahil sa kanyang alegasyon ay nabugbog ang matanda na ikinasama ng loob ng kanyang anak kaya ibinahagi niya sa Facebook ang CCTV footage ng e-jeep.

Ito ang naging daan para mapansin sila ni Raffy Tulfo dahil na rin sa suporta ng mga netizens.

Sa naunang ulat, unang nagkaharap sina Linda at anak ni Tatay Alexander sa programa ni Mr. Tulfo.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Firsts And Lasts Game: Carlo Aquino's First Heartbreak Story | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out Human Meter's Firsts And Lasts Game with Carlo Aquino and get to know this dashing Kapamilya leading man even more.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel