Matandang lalaki, inakusahang nambastos ng babae sa bus; anak, rumesbak

Matandang lalaki, inakusahang nambastos ng babae sa bus; anak, rumesbak

-Hindi napigilan ng isang netizen ang maglabas ng sama ng loob sa social media matapos masangkot ang ama sa isang gulo sa loob ng bus at masaktan ng ilan

-Ayon sa post ng netizen, inakusahang nambastos ng kapwa pasahero ang kanyang ama

-Ngunit mariing itinanggi ng netizen ang akusasyong ito ng babaeng pasahero at sa halip ay ipinakita ang kuha ng CCTV sa loob ng bus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilan ng isang netizen ang maglabas ng sama ng loob sa social media matapos akusahang nambastos ang kanyang tatay ng isang babae na nakasakay nito sa isang bus.

Sa Facebook post ni Xian Mabait, ipinakita nito ang isang kuha ng CCTV sa loob ng bus kung saan naganap ang insidente.

Makikita ang kanyang ama na umakyat ng bus at bahagya pang na-out of balance nang umandar na ang bus.

Ilang sandali lang ang lumipas ay napaharap ito sa babae sa kaliwa at muli ay tila na-out of balance at halos mapasubsob na sa babae.

Kita naman ang gulat at galit sa babae na agad na lumipat ng upuan. Makikita ring patuloy ito sa pagsasalita ngunit dahil walang audio ang na-upload na video ay 'di malinaw ang sinabi nito.

Makalipas ang ilang sandali ay bumaba ang babae ngunit bago nito ay makikita pang hinampas nito ang matandang lalaki at pinagbabato.

Maya-maya pa'y may ilang kalalakihan ang umakyat sa loob ng bus at sinuntok ang matandang lalaki.

Sa dulo ng video ay makikita ring sapilitang hinablot ang matanda bago kinaladkad sa kung saan.

Sa FB post na kasama ng video na in-upload ni Xian, makikita ang matandang lalaki sa loob ng barangay.

Sabi ni Xian, may hypertension ang ama at ika-ika na kung maglakad. Hindi rin daw ito lasing at 'di rin totoong nanghipo ito o nambastos tulad ng nakalagay sa blotter dito.

Bagamat hindi raw pabor si Xian sa mga nang-aabuso ng kababaihan, nararapat lang daw na gamitin ang karapatan ng isang babae sa tama.

Samantala, mabilis itong nag-viral sa social media at marami ang hindi natuwa sa pangyayari.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino

Maine Mendoza and Carlo Aquino answering tricky questions from HumanMeter. And they just can't stop laughing, we can't either! -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel