Ina, kumakain na lang ng ice cubes para masigurong busog ang anak

Ina, kumakain na lang ng ice cubes para masigurong busog ang anak

- Isang ina sa Malaysia ang napipilitang kumain ng ice cubes para masigurong may makakain at busog ang kanilang anak

- Para rin masigurong makakakain ng sapat ang anak, hindi na iniluluto ng ginang ang bigas at iyon na ang kinakain para makatipid sa gas

- Hindi sapat ang kinikita ng kanilang padre de pamilya kung kaya naman gumagawa ng paraan ang ginang para maibsan ang gutom sa araw-araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakapanlulumo ang kalagayan ng isang pamilya sa Malaysia na naitampok ang istorya sa isang Film Festival sa nasabing bansa.

Ang ginang na si Aisha Othman ay nagagawang kumain ng ice cubes para lang masigurong may makakain ang kanilang anak.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Bukod dito, kumakain na rin ang ginang at ang mister nito ng hilaw na bigas para makatipid sa gas.

Bagamat nakakabili naman ang mister nito ng tinapay, nakalaan na ito para sa kanilang anak.

Nasanay na rin daw ang ginang na gawing pamatid-gutom ang ice cubes at bigas na nabibili nito sa kapitbahay dahil hindi naman daw palaging may pambili sila ng gas.

Maliit lamang ang kinikita ng asawa nito bilang isang security guard at inilalaan na nila ito sa mga buwanang bayarin nila.

Mabuti na lamang at nakilala sila ng isang film director na si Azreen Madzlan na siyang naging daan para mapasali ang kanilang istorya sa isang documentary sa Freedom Film Festival.

Naging daan ito para makahanap ng trabaho si Aisha sa isang grocery store at napasama rin ang kanilang pamilya sa isang programa ng kanilang gobyerno.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa isang article ng KAMI, isang ina ang tumakbo nang nakayapak para maihabol ang nakalimutang baon ng kanyang anak.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Vice Ganda Replies To Dawn Chang Criticizing Her Ex Group “GirlTrends"

Dawn Chang took a swipe at her former group “GirlTrends" and specifically - their performance on “It’s Showtime." And actually Vice Ganda also has something to tell Chang in this regard. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel