Employer, inerereklamo dahil sa pasahod na puro barya
- Inireklamo ng isang netizen sa Facebook ang diumano'y employer na nagpasahod ng puro barya
- Umabot sa halagang 6,337 ang pinasahod nito na pawang tig-pi-piso at 25 centavos
- Inalmahan ito ng mga netizens dahil pahirap pa ito diumano sa mga empleyado
- Alinsunod naman sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas, may paglabag ang nasabing employer
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Inalmahan ng isang netizen ang diumano'y pagpapasahod ng isang employer ng puro barya sa kanyang mga tauhan. Ayon sa Facebook user na nagngangalang Sharon Tinio Ruivivar, umabot sa halagang 6,337 ang sinahod at ito ay pawang baryang piso at 25 centavos.
Buwelta pa niya, imbes na magamit na lamang ng mga empleyado ang perang kanilang pinagtrabahuhan, kinailangan pa nila itong bilangin.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Gayunpaman, nagpasalamat pa rin ang netizen dahil nasa minimum naman daw ang pinapasahod nito.
Sa gitna ng mga pambabatikos, nagpaliwanag ang inirereklamong employer sa comment section ng viral Facebook post.
Gayunpaman, ayon sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas, hindi dapat lumagpas sa 1000 pesos ang baryang 1, 5 at 10 pesos pag ibinayad at sa baryang 1, 5, 10 at 25 sentimo ay hanggang 100 piso lamang. Ito ay ayon sa CIRCULAR NO. 537 Series of 2006 ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.
Samantala, narito ang ilan sa mga naging saloobin ng mga netizens:
walang naman mawawala sir kung magpapakumbaba ka kahit ano man ginawa nila.. cguro namn mas may pinagaralan kana man sa kanila kaya naabot muyang ganyang buhay.. kaw lang din gumawa ng sarili mong gulo..
kung totoong tatamad tamad at magnanakaw edi may sapat syang dahilan paratanggalin dba? jusko nmn. lakas trip lng yan e, pwedeng ayaw mgbigay ng 13th month, o bonus, o ayaw mag regular.. o may sira sa utak
Kung ako yan ikinalat ko yan sa loob ng shop nya ng xa ung napgod kakapulot nyan takte na yan
Grabe nman hirap na trabho ung tao pinasahod mo hirap pa mag bilang ng sinahod mo...wag ganyan kuya...
Ganito daw ipapasahod ng Masricana Malapit lapit na hahaha Yu Hen Adam Jair Vhin Aldrin hahaha
Alam nyo bago kayo maging judgemental alamin nyo mna both sides of the story..Baka nga mas matindi pa gnawa ng mga yan kaya ganyan gnawa nung tao sa kanila. Kng ako gawan ng ndi maganda, baka ndi ko pa paswelduhin mga yan.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Vice Ganda Replies To Dawn Chang Criticizing Her Ex Group “GirlTrends" | HumanMeter
Dawn Chang took a swipe at her former group “GirlTrends" and specifically - their performance on “It’s Showtime." Vice Ganda also has something to tell Chang in this regard.
Source: KAMI.com.gh