Pinay na may stage 2 cancer, nagpasaklolo para makausap ang mister na Australian

Pinay na may stage 2 cancer, nagpasaklolo para makausap ang mister na Australian

-Hindi na raw nakikipag-usap sa kanya ang asawa kung kaya naman idinulog na ng ginang ang reklamo kay Raffy Tulfo

-Bukod sa dinaranas na kahirapan sa buhay, pasakit pa ang malubhang karamdaman na dumapo sa kanya

-Samantala, humarap naman ang inireklamong Australian para ipaliwanag ang kanyang panig

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umiiyak na idinulog ng ginang na si Ghina Bhe Sakkas ang kanyang hinaing laban sa asawang Australian sa programang Wanted sa Radyo kaugnay ng sustento sa kanilang mga anak.

Ayon kasi kay Ghina, hindi na nakikipag-usap sa kanya ang asawang si Andrew Sakkas.

Bukod pa sa hirap na dinaranas ng ginang para sa pangangailangan ng pamilya, dagdag pasakit pa ang kanyang malubhang karamdaman.

Isa pa sa bumagabag sa kanya ay ang problema nila sa pangbayad sa upa sa bahay na nirerentahan nila.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Samantala, humarap naman kay Ghina ang asawang si Andrew sa programa at ipinaliwanag ang panig.

Bagamat inamin nito na hindi na siya nakakapagbigay ng sustento, itinanggi naman nito na pinabayaan niya ang mag-iina.

Anito, kasalukuyan siyang umaasa lamang sa mga padala ng kanyang mga kaanak mula sa Australia.

Paliwanag pa ng dayuhan, malaki ang naging problema nilang mag-asawa nang ma-scam sila sa bahay na kanilang binili dati.

Malaki rin daw kasi ang kanyang nagastos para sa bahay. Sinang-ayunan naman ito ni Ghina.

Dahil dito, nangako si Raffy Tulfo na tutulungan ang dalawa na mahabol ang mga taong nasa likod ng scam na ito.

Ngunit binigyang-diin din ni idol na nararapat lang na unahin ni Andrew ang pagsuporta sa naiwang pamilya.

Napag-alaman kasi na mayroon na palang ibang nobya ang lalaki ayon din mismo kay Ghina.

Ngunit iginiit ng ginang na tanging suporta lamang ang nais niya mula kay Andrew.

Nangako naman ang Autralian na ibibigay ang hininging tulong ng ginang bago ang nakatakdang due date nito sa renta ng bahay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Raffy Tulfo aired strong words against the Yllana brothers amid the controversy surrounding Yllana Brothers School. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel