Wagas! Magkasintahan, magkatabi matulog kahit rehas ang pagitan ng pagmamahalan nila

Wagas! Magkasintahan, magkatabi matulog kahit rehas ang pagitan ng pagmamahalan nila

- Magkatabi na natutulog ang magkasintahan kahit na nakakulong ang lalaki

- Hindi umaalis ng presinto ang babae at tumutulong pa maglingkod sa mga pulis

- Ikakasal na sana sila kaso nakulong ang lalaki tatlong araw bago ang kasal nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ng isang netizen ang kanilang love story ng live-in partner niya.

Nalaman ng KAMI na kahit nakakulong ang lalaki ay magkatabi pa rin silang natutulog.

Ayon sa kwento ng Facebook user na si Choplex N Palaloves, ikakasal na dapat sila kaso naudlot ito nang madakip ng pulis ang lalaki.

Isang construction worker ang lalaki at siya ay pinaghihinalaang sangkot sa illegal na droga. Nakulong ito noong August 16, 2019 at hanggang ngayon ay nasa Banga Station, Koronadal, South Cotabato siya sa Mindanao.

Mula nang makulong ang lalaki ay doon na rin natutulog ang partner niya kahit na may rehas sa pagitan nila.

“Ako po ay dito din natutulog magkatabi po kami sa pagtulog gabi gabi,” sabi niya.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Wagas! Magkasintahan, magkatabi matulog kahit rehas ang pagitan ng pagmamahalan nila

Photo from Choplex N Palaloves
Source: Facebook

Kwento ng babae, hindi raw siya umaalis sa presinto at tumutulong na rin siya sa doon sa paglilinis at pagluluto para sa mga pulis.

“Ginagawa ko po lahat ng makakaya ko di lang kami maghiwalay ng asawa ko. Dahil mahal na mahal ko po sya,” aniya.

“Ganun po ang sitwasyon namin pagsapit ng gabi kapag kami ay matutulog.rehas na bakal po ang gitna ng aming pagmamahalan,” dagdag pa nito.

Wagas! Magkasintahan, magkatabi matulog kahit rehas ang pagitan ng pagmamahalan nila

Photo from Choplex N Palaloves
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang babae ay may tatlong anak sa dati niyang kinakasama. Samantala, ang lalaki naman ay may isang anak sa dati niyang partner.

Hangad lang ng magkasintahan na matuloy ang kanilang kasal na dapat ay mangyayari noong Agust 19, kung hindi lamang nakulong ang lalaki.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz Kami: Robin Padilla Defends Mariel Rodriguez Having Baby In The US. This issue has caused a lot of controversy on social media. And this is what Robin Padilla has to say to critics — on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel