Matapos lumuhod, 2-timer na titser, naiyak naman sa harap ng matapang na misis

Matapos lumuhod, 2-timer na titser, naiyak naman sa harap ng matapang na misis

- Pagkatapos na magharap sa programa ni Raffy Tulfo kung saan lumuhod si mister sa harap ni misis, sa barangay naman nagharap ang dalawa

- Dito, hindi na napigilan ng inireklamong mister ang maiyak sa harap ng matapang niyang misis

- Ang ilang netizens naman, humanga sa katapangang ipinakita ng ginang laban sa salawahan nitong mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos mai-ere ang reklamo ng ginang na si Michelle Ann Andaya laban sa mister nitong si Rey Andaya, agad na nagsadya ang lalaki sa tanggapan ng TV5 para makaharap ito, kung saan nagawa pang lumuhod ni mister sa harap ni misis.

Inireklamo kasi ni misis ang kanyang mister na isang guro ng pangangaliwa. Ang babae raw nito ay isa ring guro na nagngangalang Mao, na una nang naiulat ng KAMI.

Bukod dito, kulang din daw ang sustentong ibinibigay nito.

Nang magharap ang dalawa sa barangay, tila hindi pa tapos ang sama ng loob ni misis.

Habang si mister naman ay naiyak na lang din sa harap nito.

Labis na raw kasi ang kahihiyang inabot niya matapos mai-ere ang reklamo ni Michelle laban sa kanya.

Posible rin daw na tanggalin siya sa pinagtuturuang eskwelahan dahil sa eskandalong kinakaharap.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ayon pa dito, ililipat sila ng itinuturong kabit nito sa ibang eskwelahan sa ngayon.

Ngunit hindi nagpatinag si Michelle sa luha at pagmamakaawa ni Rey. Anito, hindi pa rin naman daw natapos ang relasyon ni mister at ng kabit nito.

Nakipagkasundo naman ito sa mister kaugnay na rin ng sustento na hinihingi niya, bagamat desidido talaga ito noong una na ipakulong na lamang si mister.

Maraming netizens naman ang humanga sa ipinakitang katatagan ni Michelle laban sa salawahang mister.

"Bilib ako sa gurl kung makasupalpal sa asawa nyang kupal."

"Proud of you girl! You stand for your right and for your child! You deserve more in life than him!"

"Isa to sa mga paborito kong episode dahil sa babaeng to. Stand Proud girl!"

"Laban girl Dapat ganiyan kailangan palaban din. Wag papatalo teh."

"Tama lang yang girl ginawa mo."

"Michelle you are a wise and brave woman...keep it up."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz News: Kylie Verzosa About Spitting On Maxine Medina

What is all the fuss about Kylie Verzosa allegedly spitting on Maxine Medina? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel