Malupit 'to! Misis, umamin on air na nasalisihan si mister ng kabit niya

Malupit 'to! Misis, umamin on air na nasalisihan si mister ng kabit niya

- Naputol na ang agam-agam ng isang lalaki nang mismong ang kanyang misis na ang umamin na nasalisihan nga siya ng kabit nito

- Maging si Raffy Tulfo, hindi natuwa sa ginawang ito ng ginang

- Para makatulong, inalok ni idol ang lalaki ng pagkakakitaan huwag lang nitong balikan ang salawahang misis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naputol na ang agam-agam at pagdududa ng mister na si Jimmy Modina nang mismong ang kanyang misis na si Ailyn Modina na ang umamin na nasalisihan siya ng kabit nito.

Mismong on air habang kausap ito ni Jimmy at ni Raffy Tulfo sa telepono sa programang Wanted sa Radyo.

Unang idinulog ni Jimmy ang reklamo niya sa kanyang misis na labis-labis daw ang pagiging selosa.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit kalaunan ay sinabi na rin nito na natuklasan niyang may relasyon pala ang kanyang misis sa bayaw nito.

Bagamat hindi tahasang inamin ng ginang kung ito ba ang kanyang kabit at nakabuntis dito.

Lumayas na rin daw ang kanyang misis sa kanilang bahay.

Napaiyak na lamang sa sama ng loob si Jimmy sa pag-amin ng asawa.

Hindi naman maiwasan ni Raffy Tulfo ang mahabag sa sinapit ng lalaki.

Inalok niya ito ng pagkakakitaan kapalit ng pag-move on nito sa salawahang misis.

Nagdesisyon na rin si Jimmy na kasuhan at ipakulong ang misis at ang kabit nito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kitchen Hacks: Do They Really Work?

HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel