Lea Salonga, may matapang na komento kaugnay sa "composer ka lang" tweet ng TNT contestant

Lea Salonga, may matapang na komento kaugnay sa "composer ka lang" tweet ng TNT contestant

- Lea Salonga, may matapang na komento at pangaral kaugnay sa "composer ka lang" tweet ng TNT contestant

- Pati si Lea ay nagbigay na rin ng pahayag sa naging trending tweet kamakailan lang

- Humingi naman ng paumanhin ang naturang contestant sa kanyang tweet sa It's Showtime

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Lea Salonga, may matapang na komento at paalala kaugnay sa "composer ka lang" tweet ng TNT contestant ng It's Showtime at spotted ito ng KAMI.

Nagbigay na nga ng komento ang world class performer na si Lea Salonga tungkol sa nag-trending na tweet ni Shantal Cuizon para sa award-winning composer na si Louie Ocampo.

Saad pa umano ng Tony awardee na nahiya raw siya at siya ang nasasaktan para kay Louie Ocampo, ayon pa sa balita ni Rhea Manila Santos ng push.com.ph.

Ani pa raw ni Lea:

"I was mortified when I heard about it, and it made me feel really bad for Louie. I didn’t watch it yet (the apology) so I have no opinion on how it came across kasi somebody might say, ‘Anong klaseng apology yan?’ but somebody else might say, ‘No, that’s acceptable. That’s okay.’ So it’s hard. I haven’t seen it."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagbiro pa ang Broadway Diva tungkol sa "ka lang" statement.

Bulalas pa raw niya:

"Oh my gosh, first of all to say blank ka lang, what if somebody to my face said, ‘Ay, singer ka lang.’ Excuse me! Like don’t you know who I think I am? (laughs) No, just joking."

Dito ay nagbigay na rin ng kanyang pangaral ang multi-awarded international superstar.

Sabi pa niya na una, huwag mong sabihin na "blank ka lang" sa kahit anong propesyon dahil minamaliit mo raw ang propesyon ng iba.

"Number one, don’t ever say blank ka lang for any profession because minamaliit mo yung profession ng iba, when every profession is one of dignity huwag mong i-la-lang ang kahit sino na parang minamaliit mo yung kung ano man yung naging propesyon nila. And then you say that about Louie Ocampo."

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Dugtong pa ng The Voice Kids PH judge sa launching the official theme song para sa 2019 SEA Games na "We Win as One" noong September 3 sa Resorts World Manila:

“I think this is a lesson hopefully for that singer to know who these people are who are judging you. They’re sitting in those judging chairs because they have achieved something in their chosen lines of work."

Prangka rin na paalala ni Lea na huwag daw maging ignorante kung sino ang mga composers. Dapat daw kilalanin nila ang estado ng mga composers sa industriya.

Diin pa ni Lea:

"Please don’t be ignorant of who the composers are. Even if you don’t know their work, know their standing in this industry."

Nasasaktan daw si Lea tungkol sa pag-la-lang kay Louie Ocampo na nakilala niya ng mahigit sa dalawang dekada na.

Pagtatapos pa ni Lea, responsibilidad ito ng isang performer kilalanin kung sino ang mga beterano sa industriya.

"So it’s a performer’s responsibility to be aware of who the oldies are as well as to try and catch up with who the new ones are as well who have undoubtedly been influenced by people like Louie."

Ang pahayag na ito ni Lea Salonga ay lumabas pagkatapos ng live na matapang na komento at paalala ni Vice Ganda kay Shantal sa It's Showtime pagkatapos mag-perform nito.

Lea Salonga, multi-awarded world class performer at Tony awardee. Sikat sa singing voice ni Princess Jasmine sa animated version ng Disney's Aladdin na lumabas noong 1992. At ngayon, nagbabalik bilang judge o mentor sa 'The Voice Kids PH.'

POPULAR: Read more news about Lea Salong here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Find out if these kitchen hacks we see online, actually work in the video below:

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin