Netizens, may napansin sa babaeng pinagtulungan daw ng mag-asawa sa jeep

Netizens, may napansin sa babaeng pinagtulungan daw ng mag-asawa sa jeep

- Maraming netizens ang hindi natuwa sa complaint ng isang ginang kay Raffy Tulfo

- Nag-ugat kasi ang lahat nang magkaroon ng gulo sa pagitan nito at ng mag-asawang nakasakay nito sa jeep na nauwi sa sakitan

- Ngunit may napansin ang mga netizens sa ginang na nagrereklamo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Maraming netizens ang hindi natuwa sa reklamo ng isang ginang na nag-ugat sa pag-upo sa jeep.

Idinulog ng ginang na si Rodelyn Marco ang kanyang reklamo laban sa mag-partner na sina Shaina Mae dela Cruz at Diomer de Guzman na parehong nakaalitan sa jeep.

Si Marco, may pasa pa sa kaliwang mata at mga bukol sa katawan nang magpunta sa tanggapan ng TV5 para magreklamo sa programang Wanted sa Radyo.

Giit ni Marco, binugbog siya ni dela Cruz dahil lamang ayaw nitong umayos ng upo sa jeep.

Doon na raw nagsimula ang away nila na humantong sa pisikalan.

Sabi pa ni Marco. Wala man lang umawat sa kanila at tumulong sa kanya kahit pa siya ay duguan na.

Inireklamo rin nito na walang pulis sa istasyon kung saan sila dinala nang 'di magkasundo sa barangay.

Samantala, sa tulong ng programa, nagkaroon ng pagkakataon na magharap ang dalawang panig.

Dito, ibinahagi naman ng dalawa ang kanilang panig sa insidente.

Ayon kay dela Cruz, labis silang napahiya sa sinabi ng ginang laban sa kanila.

Sinabi raw kasi nito na dapat ay pumunta na lamang sila sa motel kung maglalampungan lang sila.

Galing raw kasi sila sa lamay at nakahilig siya kay de Guzman sa jeep dahil nakatulog siya.

Umusog rin naman daw sila para makaupo ang ginang kahit pa nga malaki naman ang space sa ibang parte ng jeep.

Mayroon din naman daw pulis nang araw na magreklamo sila.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Ganunpaman, nadiskubre sa video na ipinakita ng dalawa na unang nanakit si dela Cruz na naging dahilan para sampalin naman siya ni Marco.

Iginiit rin ni Marco na pinagbantaan siya ni dela Cruz dahil may kamag-anak itong pulis.

Bagay na itinanggi na ni dela Cruz. At ayon pa kay Tulfo, hindi naman lulutang ang mga ito kung may gagawing masama ang mga ito laban sa complainant.

Sa huli, nagkasundo naman ang dalawang panig. Humingi ng paumanhin ang magpartner kay Marco.

Maayos naman itong tinanggap ng ginang at humingi rin ng tawad sa mga nasabing nakapagpahiya sa dalawa sa jeep.

Sinagot na rin ni idol Raffy ang mga ginastos ni Marco lalo pa at nalaman nito na walang pinagkakakitaan ang dalawa.

Pero ang mga netizens tila hindi natuwa sa reklamong ito.

"Naku sir Raffy Tulfo, medyo hindi ako natuwa sa reaksyon mo..marami po kasing mga matatanda na wala po talaga respeto sa iba.. dami ko po kilalang ganyan..if gusto po ng matandang iyan na irespeto sya, matuto din sya rumespeto sa kapwa nia."

"Sir Raf I have utmost respect sayo but this is clearly your complainant's fault."

"Yung unang video halos kasinungalingan sinabi niyang ate complainant. Ngayon lang talaga ako di pabor sa complainant. Sus sus sus."

"Ikaw ang unang nanabunot ate tapus nung magkablack eye ka..punta ka agad kay idol raffy."

"Paawa effect teh Ikaw din naman talaga may kasalanan."

"Sir raffy, may mali dyan sa complainant mo! Sabi ko sainyo hndi lahat ng complainant mo biktima hehe. Umarte na lang yung complainant mo bigla eh."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Should Trans Women Be Allowed In Women's Restrooms?

We are asking Filipino people what they think about a highly discussed issue in the country. Some think trans women should go to men's restrooms because they were born males. The others consider it total disrespect towards trans women who are deprived of their basic human rights when forced to use men's restrooms. -on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone