Sanchez, iginiit na love triangle ang ugat ng Sarmenta-Gomez slay

Sanchez, iginiit na love triangle ang ugat ng Sarmenta-Gomez slay

- Matapos ang halos tatlong dekada, iginigiit pa rin ni convicted murderer at rapist na si Antonio Sanchez na siya ay inosente

- Anito, pinagdusahan na niya ang mga kasalanang hindi naman niya ginawa

- Naniniwala ang dating alkalde ng Calauan na love triangle ang ugat ng pagkamatay nina Eileen Sarmenta at Allan Gomez

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naninindigan pa rin si Antonio Sanchez na siya ay inosente sa Sarmenta-Gomez rape slay noong 1993.

Sa isang panayam dito ng ABS CBN News, naniniwala ang dating alkalde na love triangle ang naging ugat ng malagim na krimen na tumapos sa buhay ng dalawang UPLB students na sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naiugnay noon ang pangalan ni Kit Alqueza na diumano'y utak ng krimen. Idiniin rin ito ng isa sa mga tauhan at ni Sanchez at kasamanag nahatulan, na umano'y hiningan ng tulong ni Alqueza para idispatsa ang bangkay ni Sarmenta.

Ayon sa kampo ni Sanchez, dating nobyo ni Sarmenta si Alqueza at kasamahan sa fraternity ni Gomez, at ito raw ang may motibo sa krimen.

Mariin namang itinanggi ng mga nakakakilala sa dalawang biktima na mayroong namamagitan sa mga ito magkaibigan lamang.

Ngunit hindi rin ito napatunayan lalo pa nang mismong dalawa sa mga tauhan ni Sanchez na ang umanin laban kay Sanchez at sa anim na iba pa.

Ngunit matapos ang halos tatlong dekada, naniniwala pa rin si Sanchez na siya ay na-frame up lamang ng mga kalaban sa politika.

Ayon sa ilang panayam dito, tatakbo sana siya noon bilang gobernador.

Umaasa din daw si Sanchez na siya makalalaya na sa Oktubre kahit pa sinabi na ni BuCor chief Nicanor Faeldon na hindi na siya makakalaya pa, na una nang naiulat ng KAMI.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ruru Madrid: I Want To Work With Bea Alonzo!

Young and talented actor Ruru Madrid hopes to work one day with Bea Alonzo. This is why it is his dream. -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel