Part 2 ng misis na 'di mabura ang 2nd account sa FB, mas tumindi ang rebelasyon

Part 2 ng misis na 'di mabura ang 2nd account sa FB, mas tumindi ang rebelasyon

-Mas tumindi ang mga rebelasyon sa paghaharap ng nangaliwang misis at ng OFW nitong mister

-May iba pang akusasyon ang ibinato si mister laban sa asawa na nabuntis ng kabit nito

-Pati na si idol Raffy hindi kinaya ang mga ibinunyag ni mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mas tumindi pa ang mga rebelasyon at akusasyon ng OFW na si Rudyard Borlaza laban sa kanyang salawahang misis na si Merlita Grace Borlaza.

Una nang naiulat ng KAMI ang reklamo ni Rudyard na nadiskubre ang pangangaliwa ni misis habang siya ay nasa abroad.

Ang masaklap pa, nabuntis at nanganak na pala si Merlita sa anak nito sa kabit na sundalo.

Nguit ang hindi matanggap ng OFW ay ang panloloko nito sa kanya sa pera. Sa luho lang daw napunta ang mga ipinadala niya para sa kanilang pamilya.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Noong una ay nagdalawang-isip pa si Rudyard kung sasampahan ng kaso ang asawa at ang kabit nito.

Ngunit sa kanilang paghaharap sa programang Wanted sa Radyo, tuluyan nang nagmatigas si mister.

Umiiyak naman na nakiusap pa rin si Merlita sa kabila nito.

Giit ni misis, nagrebelde lamang siya kay mister dahil nahuli niya umano ito na may kaakbay at kayakap na babae sa picture.

Inamin ni Rudyard na may ganoong larawan nga ngunit mariin nitong itinanggi na may iba siyang babae.

Tila hindi na magbabago pa ang isip ni Rudyard lalo pa at ilang impormasyon pa ang nakalap nito mula sa mga taong nakapaligid sa misis matapos ang pag-ere ng kanyang reklamo.

Isa na rito ang paggamit ni Merlita sa kanyang trabaho sa isang hotel para gawin ang kanyang kataksilan.

Binigyan pa sila ng pagkakaton ni Tulfo na mag-usap ng sarilinan ngunit nagmatigas pa rin ang lalaki.

Tila mas kaabang-abang pa ang part three ng reklamong ito!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

When You Try To Recall The Patriotic Oath But Life Is Hard

Searching for proudly Filipinos ready to recite the Patriotic Oath. Can they remember the full text? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel